RATED R
ni Rommel Gonzales
MASAYA, emotional, at fabulous ang ginanap na kasal nina Kenneth Villamayor, bunsong anak ng Superstar na si Nora Aunor, at ng misis niyang si Sam de Leon
Sabado ng gabi, February 21.
Ang aktres at ate ni Kenneth na si Lotlot de Leon ang naghatid kay Kenneth patungo kay Pastor John David Auxtero na siyang nag-officiate ng garden wedding.
Nasa Amerika para sa isang concert tour ang ama ni Kenneth, ang Drama King of the Philippines na si Christopher de Leon with wife Sandy Andolong kaya hindi sila nakadalo sa kasalan.
Parte ng entourage ang dalawa pang mga kapatid ni Kenneth na sina Matet de Leon (Sand Sponsor) at Kiko Villamayor (Groomsman), ang mister ni Matet na si Mickey Estrada (Sand Sponsor), Coin and Bible Sponsor naman ang anak nina Matet at Mickey na si Mia Estrada, at siyempre flower girl ang only daughter nina Sam at Ken na si Summer.
Dumalo sa selebrasyon ang mga pamangkin ni Kenneth tulad nina Janine Gutierrez and siblings Jessica, Maxine and Diego Gutierrez with their dad Ramon Christopher, ang mga anak nina Matet at Mickey, ang aktres na si Nadia Montenegro, Pinky Esturco, Cachie Roque and Lotlot’s husband Fadi El-Soury.
Kabilang naman sa mga principal sponsor ang actress na si Shy Valdez, Senator Robin Padilla, Senator Bong Go (represented by Phillip Salvador), Marisa Garcia, Henry Galang, Ricky Lee and Senator Jinggoy Estrada na represented ng husband ni Arlene Muhlach na si Warren Dandoy.
Booth sponsors naman ang masarap na Max Mango at Hello There Hotline.
Samantala, Maid of Honor si Jaid Iglesias, Bridesmaids sina Sharina Fabra, Katrina Garcia, Marvi Garcia, at Ritchelle Lim, Best Man si Eric del Rosario, Groomsman si Daniel Buenaventura, sina Marl Valerio at Lawrence Lim naman ay Cord Sponsors, sina Renei Lim and Lawrence Vega ay Veil Sponsors at ang cute na dog na si Mitten Rose Lim ang Pup of Honor.
Ang venue ng ceremony at reception ay ang napakalaki, napaka-class at napakagandang bahay ng tita ni Sam na si Ruby Lim. Open daw ito, ayon mismo kay Madam Ruby, para sa mga shooting at taping ng pelikula at teleserye.
January 21 ay ikinasal na sina Kenneth at Sam sa isang church wedding na very intimate at close family members lang ang pinapunta, kaya muli silang ikinasal sa isang napakabonggang garden wedding.
At sabi nga ni Kenneth, alam niya, masayang-masaya ang mommy Guy nila sa kasalang naganap at ramdam nila na naroroon lamang ang Superstar sa kabuuan ng selebrasyon at nakangiti.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com