Thursday , June 4 2026
arrest, posas, fingerprints

Rapist ng menor-de-edad timbog

NAARESTO ng pinagsanib na puwersa ng pulisya ang isang lalaking nanggahasa ng menor-de-edad matapos isilbi ang warrant of arrest laban sa kanya sa Sampaloc, San Rafael, Bulacan.

Ayon sa ulat ni P/Lt. Colonel Protom E. Guevarra, hepe ng San Rafael MPS, kinilala ang naarestong akusado na si Alyas Mane, 55 anyos, isang street vendor, at isinama sa Most Wanted Persons (MWPs), residente sa Barangay Binagbag, Angat, Bulacan.

Dahil madulas sa pagtatago, ang pagdakip sa akusado ay isinagawa sa pamamagitan ng joint operation ng mga operatiba ng San Rafael MPS at Angat MPS.

Inaresto ang akusado alinusnod sa warrant of arrest sa kasong Qualified Rape of a Minor at Lascivious Conduct sa ilalim ng Section 5 (B) ng RA 7610.

Ang nasabing warrant ay inisyu ni Judge Maria Zenaida Bernadette Tamayo Mendiola ng Regional Trial Court, Branch 80, Malolos City, Bulacan, noong 10 Pebrero 2026.

Sa bigat ng kaso ay walang piyansang inirekomenda sa akusado para sa krimeng Qualified Rape of a Minor, habang itinakda naman sa halagang P200,000 ang piyansa para sa kasong Lascivious Act.

Sa kasalukuyan, ang akusado ay nasa kustodiya ng San Rafael MPS para sa kaukulang dokumentasyon bago ang kanyang turnover sa korte na naglabas ng warrant of arrest. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …