Thursday , June 4 2026
Arrest Shabu

Sa drug bust sa Baseco
P.5-M shabu nasabat, 6 arestado

NASAKOTE ang anim katao kabilang ang tatlong nakatalang high value individual (HVI) habang nasamsam ang halos kalahating milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu sa dalawang magkahiwalay na anti-illegal drug operation na isinagawa ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) Police Station 13 sa Baseco Compound, Port Area, sa lungsod ng Maynila.

Ikinasa ang mga operasyon sa pangangasiwa ni P/Lt. Col. Rommel Anicete upang sugpuin ang pagkalat ng ilegal na droga sa lugar.

Isinagawa ang unang operasyon sa Block 15-A na nagresulta sa pagkakadakip ng tatlong suspek na kinilalang sina alyas Sam, 23 anyos; alyas Amor, 25 anyos; at Sara, 29 anyos, pawang mga residente sa nabanggit na lugar, nakatalang mga HVI.

Nasamsam mula sa mga suspek ang halos 62 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P421,600.

Nahaharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa Section 5 (sale of illegal drugs) at Section 11 (possession of illegal drugs) ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa hiwalay na operasyong ikinasa sa Block 1, Gasangan, Baseco, nasakote ang tatlo pang suspek sa pinaigting na pagpapatrol ng pulisya at pakikiisa ng komunidad.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Jr, 30 anyos; alyas Beth, 21 anyos; at alyas Mac, 23 anyos, na nahulihan ng P68,000 halaga ng hinihinalang shabu sa kanilang pag-iingat.

Nahaharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa Section 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at kasalukuyang nasa kustodiya ng MPD Police Station 13.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …