Thursday , June 4 2026
Aiko Melendez Onemig Bondoc

Aiko, Onemig sinopla netizens na kumukuwestiyon sa kanilang relasyon

RATED R
ni Rommel Gonzales

INALMAHAN nina Aiko Melendez at Onemig Bondoc ang mga namba-bash sa kanilang relasyon, na kesyo naggagamitan lamang daw sila.

Sa YouTube vlog ni Aiko nitong mismong Valentine’s Day  ay binuweltahan nila ang mga nagdududa sa sincerity ng kanilang pagmamahalan sa isa’t isa.

May nababasa kaming mga comment na hindi raw kami magtatagal, naggagamitan kami,” umpisang pahayag ni Aiko.

Una po sa lahat, we’re of age already. We know what we’re getting into.

“And tandaan niyo po, hindi ko lang po siya kakilala kahapon, 29 years ko na po siyang kakilala.

“So, mayroon po kaming na-build na foundation even before na we got to this stage.

 “Alam ko lahat, lahat ng past niya, and I was willing to accept it because it comes with a package, eh.

“’Kapag nagmahal ka, kailangan tanggapin mo kung ano ‘yung karugtong niyong past niya, kasi it’s something that cannot be deleted or erased.

“Mayroon man kami gustong i-edit, pero when you come to think of it, mas okay na lang na dumaan ‘yun sa buhay namin because it made us stronger individuals.”

Lahad naman ni Onemig, “Guys, tao lang naman, ‘di ba? Nahe-hurt din naman ako kapag nagko-comment kayo na, ‘Sobrang dami ng lalaki ni Aiko, sobrang dami nang nagdaaan.’

“Lahat naman tayo, ‘di ba, may mga past? Wala namang tao na walang past, eh. So, siyempre, ‘di ba, kung mahal niyo ‘yung tao, ina-accept niyo ‘yung past.

“Wala naman ding hindi nagkakamali rito. So, sana tigil-tigilan niyo na ‘yung ganoon, ‘di ba?

“Kasi ‘yung mga nagsasabi riyan na medyo bastos, pero sasabihin ko na rin dahil masakit, eh. Kasi mahal ko ‘yung tao, ‘di ba?”

“You can’t please everyone,” dagdag naman ni Aiko.

Pinuna rin ni Onemig ang mga nag-iisip na mababaw ang kanilang relasyon.

Ayoko naman makakita ng mga gnoong comment. Na ‘bembang’ ganyan. I mean, eh, hindi naman kami nandito para bumembang.

“I mean, ‘pag mahal mo ‘yung tao, hindi mo sasabihing ‘bembang,’ di ba? You make love to the person, but hindi bembang.”

Ang “bembang” ay kolokyal na termino na tumutukoy sa sex.

Pagpapatuloy pa ni Onemig, “So sana tigilan niyo na ‘yung ganoon. Kasi hindi maganda, eh.

“Isa pa, marami ang nakakabasa, mga bata. ‘Yun ba ang gusto nating ipakita sa mga bata, ‘di ba?

“Bago kayo maglagay ng mga comment na kabastusan or walang katuturan, sana tingnan niyo rin muna ‘yung mga batang makakabasa nito.

“Kasi we’re setting a good example. Sana you should also set a good example.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …