Thursday , June 4 2026
Louie Ignacio Mantsa Pilar Pilapil Gelli de Belen

Direk Louie Ignacio deretsahang ipinahayag, ayaw sa unprofessional na artista

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IPINAHAYAG ng kilalang direktor na si Louie Ignacio na kakaibang challenge sa kanya ang pelikulang “Mantsa”.

Isa sa dahilan ng award-winning direktor ay dahil bahagi ng cast nito ang veteran actress na si Pilar Pilapil.

Wika ni Direk Louie, “Siyempre kapag nakatrabaho mo ang mga icon ng industry, iyong respect mo sa kanila, kasi tinitingala mo sila e…. iyong mga great actresses natin ng Philippine Cinema.

“So ngayon, first time ko siyang makatatrabaho, nae-excite ako. Umuwi pa siya from Cebu just to attend to this story conference. Kadarating niya lang from the airport…”

Pagpapatuloy pa ng kilalang director, “Nakaka-challenge ito for me. Kasi nag-e-expect siya ng good quality, kasi nandoon si Pilar Pilapil. At hindi gagawa si Pilar Pilapil ng isang ka-cheap-an na pelikula. Kaya, iyon ang challenge sa akin.”

Nabanggit din ni Direk Louie ang inaasahan niya sa bawat cast ng kanilang pelikula.

Pahayag niya, “Kasi, kahit marami na kayong nagawang pelikula, kapag nagsisimula kayo ng bagong pelikula, panibagong adjustment ito. Walang senior, walang bagong artista rito.

“Bagong project, so kapag ako ang direktor kasi, discipline ang kauna-unahan. Kapag hindi ka dumarating sa set nang hindi prepared, lumilipad ang script, iyon lang.

“Kailangan preparado ka na haharap sa akin, kasi matagal nang ibinigay sa inyo ang script. Be professional, that’s it, be professional.

“Sa industriyang ito, walang tumatagal sa unprofessional, mabilis bumagsak,” diin ni Direk Louie.

Ang Mantsa ay hatid ng Dragon Talent Management ng mga producer na sina Bambbi Fuentes at Tine Areola. Co-producer sa movie si Mr. Ric Valenzuela.

Bukod kay Ms. Pilapil, tampok din sa pelikula sina Gelli de Belen, Janice de Belen, Snooky Serna, Lloyd Samartino, Dino Guevarra, LA Santos, Shira Tweg, Bo Bautista, Khai Flores, Ghia Garcia, Mill Marzo, RJ Ariar, Rain Barreto, Miles Poblete, at iba pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …