Thursday , June 4 2026
human trafficking

29 nasagip sa human trafficking

NASAGIP ng mga awtoridad ang 29 biktima ng human trafficking, kabilang ang 5 menor de edad na ibinubugaw ng sindikato sa halagang P3,500-P5,000 kapalit ng pakikipagtalik sa mga parokyano, sa San Jose Del Monte, Bulacan, noong 28 Enero.

Sa ulat ng National Bureau of Investigation (NBI), humingi ng tulong ang isang non-governmental organization sa kanilang tanggapan dahil sa mga natatanggap na impormasyon hinggil sa ilegal na gawain ng sindikato na nanghihikayat ng mga parokyano sa pamamagitan ng Facebook messenger, Viber, Telegram platforms. Ipinadadala ang malalaswang larawan ng mga biktima sa nasabing platforms at doon nagkakaroon ng negosasyon sa presyohan na P3,500 hanggang P5,000 sa mapipili para makatalik.

Sinimulan ng NBI-Cybercrime Division (CCD) ang surveillance noong 20 Enero at 28 Enero ang isagawa ang entrapment operation sa paggamit ng nagpanggap na kliyente.

Kasunod nito, sinalakay ang isang bahay kung saan matagumpay na naaresto ang dalawang bugaw at nasagip ang 29 biktima.

Sa pagsusuri sa mga biktima, lima ang natukoy na menor de edad.

Kasalukuyang nasa NBI detention facility ang mga suspek matapos isailalim sa inquest proceedings sa San Jose Del Monte Prosecutor’s Office sa reklamong Qualified Trafficking in Persons sa ilalim ng Section 4(e) ng Republic Act 9208, na inamyendahan ng RA 10364 at RA 11862.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …