Thursday , June 4 2026
San Rafael, Bulacan
San Rafael, Bulacan

Rape suspect ng menor de edad kinalawit

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki sa Brgy. Cruz na Daan, San Rafael, Bulacan na matagal nang pinaghahanap ng batas kaugnay sa kasong panggagahasa sa isang menor de edad.

Sa ulat ni PLt. Colonel Protom E. Guevarra, hepe ng San Rafael MPS, kinilala ang naarestong akusado na si a.k.a. Junior, 51 anyos, may asawa, construction worker, residente sa Brgy. Windmill Borol 2nd, Balagtas, Bulacan at No. 3 most wanted person sa municipal level.

Isinilbi sa akusado ang warrant of arrest kaugnay ng kasong “Qualified Rape of a Minor” na nakasaad sa Criminal Case No. 405-M-2026, walang inirekomendang piyansa.

Ang nasabing warrant ay inisyu ni Judge Theresa Genevieve N. Co, presiding judge ng Regional Trial Court Branch 17, Third Judicial Region, Malolos, Bulacan, sa ilalim ng TIP Control Number G-2026-003-PRO3-BULPPO-SRMPS.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Rafael Municipal Police Station ang akusado habang isinasagawa ang kaukulang dokumentasyon at paghahanda sa pagbabalik ng warrant sa korteng pinanggalingan nito. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …