NAGWAKAS ang matagal na pagtatago sa batas ng isang lalaki na may kasong panggagahasa nang maaresto ito sa kanyang pinagtataguan sa lalawigan ng Aurora kamakalawa.
Sa ulat na ipinadala kay PBGeneral Ponce Rogelio I. Peñones Jr., regional director ng Police Regional Office 3, ang pinagsamang operasyon na isinagawa ng Dipaculao MPS, Baler MPS, at PIU Aurora ay humantong sa pag-aresto sa Top 8 Regional Most Wanted Person at Top 1 Provincial Most Wanted Person bandang ala-1:00 ng hapon sa Brgy. Dimabuno, Dipaculao, Aurora.
Ang suspek na isang 35 taong gulang, kasama ang live-in partner at residente ng Brgy. Dimabuno, Dipaculao, Aurora, ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Statutory Rape, na walang inirekomendang piyansa.
Ang operasyon ay isinagawa ng mga operatiba ng mga nabanggit na yunit sa ilalim ng TIP Control Number G-2026-002-PRO3-APPO-DIPMPS.
Matapos maaresto ay dinala ang suspek sa Municipal Health Office (MHO), Dipaculao para sa isang medikal na eksaminasyon at pagkatapos ay sa Dipaculao Custodial Facility para sa dokumentasyon at wastong disposisyon. (MICKA BAUTISTA)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com