Wednesday , January 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
MMFF MMDA

Topacio iginiit MMFF nasa maling ahensiya

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

TAMA naman ang mga observation-opinion ni Atty. Ferdie Topacio tungkol sa Metro Manila Film Festival na pinamumunuan ng MMDA (Metropolitan Manila Development Authority).

Sa mahabang litanya ng kontrobersiyal na abogado habang ipinu-promote ang Spring in Prague movie under his Borracho Films, tinuran nitong nasa maling ahensya yata ang taunang MMFF.

Dapat talaga ay ilagay at ibigay iyan sa mga taong may alam sa pelikula. ‘Yung mga taong may malasakit na magbigay ng de-kalidad na movies na soon ay magiging bahagi ng ating heritage sa culture and arts. ‘Yung kayang makipagsabayan globally. ‘Yung hindi puro income o pagkita ang nasa priority,” sunod-sunod nitong litanya habang ipinaliliwanag kung bakit nagpu-prodyus pa rin siya ng movie kahit hindi kumikita.

Marahil ay grabe lang talaga ang passion ko sa paggawa ng movies dahil since noong bata pa ako ay sobra na akong na-attach sa movies natin. Marami namang platforms ngayon na unti-unti nagbibigay pag-asa sa atin para makabawi kahit paano, pero sana nandiyan pa rin ‘yung malawak na pag-patronage ng audience sa panonood sa mga sinehan,” dagdag pa nito.

Almost three years in the making ang inabot ng Spring in Prague na pinagbibidahan ni Paolo Gumabao, with Russian actress Elena Kozlova at Sara Sandeva.

Although love story ang tema ng movie, tadtad daw ito ng symbolisms ayon pa kay Atty. Topacio lalo na sa usaping history, politics at naging struggle ng mga bansa sa Central Europe lalo na ng Czech Republic.

Sa panulat ni Eric Ramos at idinirehe ni Lester Dimaranan, showing na ang Spring in Prague sa February 4.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Alden Richards

Dyowa target ni Alden ngayong 2026 

MATABILni John Fontanilla TARGET ng Kapuso actor na si Alden Richards ang pagkakaroon ngayong 2026 …

Joseph Marco Rhen Escaño

Rhen kinilig nang malamang crush ni Joseph 

ni Allan Sancon USAP-USAPAN ngayon  ang bagong pasabog ng Viva One matapos opisyal na ipakilala sa members ng …

Breaking The Silence cast

Breaking The Silence pelikulang bumabasag sa usaping mental health ng kabataan

ni Allan Sancon UMANI ng matinding atensyon ang pelikulang Breaking the Silence ni direk Errol Ropero dahil sa matapang …

Paolo Gumabao Spring In Prague Sara Sandeya 

Paolo nanginig buong katawan, nahirapan pang mag-Ingles dahil sa lamig

IPALALABAS na sa February 4 sa mga sinehan ang Spring In Prague na pinagbibidahan ni Paolo Gumabao. Nag-shoot …

Jaime Yllana Anjo Yllana

Jaime humingi ng paumanhin ‘nasagasaan’ ng amang si Anjo

RATED Rni Rommel Gonzales VIRAL at kontrobersiyal ang mga video ni Anjo Yllana sa samo’tsaring isyu sa …