Thursday , June 4 2026
Lorna Tolentino Rabin Angeles Angela Muji Crisanto B Aquino

Rabin at Angela ‘di nagpakabog kay LT

MATABIL
ni John Fontanilla

BAGUHAN mang maituturing sa industriya, hindi nagpakabog sa aktingan sina Rabin Angeles at Angela Muji sa awardwinning actress na si Lorna Tolentino sa launching movie nilang A Werewolf Boy hatid ng Viva Films at CJ Entertainment na idinirehe ni Crisanto B. Aquino.

Tama si Direk Crisanto na tunay ngang mahusay sina Rabin at Angela sa A Werewolf Boy, base na rin sa napanood namin sa premiere night nito sa SM Megamall Cinema 2.

Parehong nagampanan nina Rabin at Angela nang mahusay ang kanilang role at pareho may lalim umarte.

Hindi rin naman matatawaran ang husay sa pag-arte dito ni Candy Pangilinan at iba pang cast.

Maganda ang pagkaka-direhe ng kabuuan ng pelikula, kaya naman worth it na panoorin.

Kaya naman ngayong Jan. 14, showing nationwide ang A Werewolf Boy. Sugod na sa paborito niyong sinehan at sabay-sabay nating panoorin ang unang salvong pelikula for 2026 ng Viva.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …