Friday , June 5 2026
John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna na full support sa piano recital ng anak nilang si Elias, may mangilan-ngilang nakahanap ng maibubutas.

Sey ng ilang netizen, “ano ba naman iyang si John Lloyd. Ni hindi man lang nag-effort na mag-ayos ng hitsura niya. Granting na hindi na siya glamorosong artista, pero mahalagang milestone naman yun ng anak mo bilang nag recital sa piano, ano ba naman yung magpantalon ito? Parang napaka-kaswal at naka-pamasayal na shorts lang ito.”

Puring-puri nga ng madla ang magandang co-parenting nila ni Ellen pero may mga bagay na dapat ding isinasaalang-alang ng mga ito bilang madalas pa rin silang lumabas sa socmed bilang public figures.

Kasama pa ni Lloydie si Isabel Santos, ang recent gf na siya ngang nag-upload ng photos and videos ng event at hinangaan ng marami. Kasama ni Ellen ang anak nito kay Derek Ramsay na si Lili na kinagiliwan ni Lloydie dahil sa pagiging bibo.

Sa ilang photos nga makikita ang masaya nilang samahan at malayo sa imahe ni Ellen na nang-aaway o tila nagre-report sa sambayanan ng mga isyu nila ng nakahiwalayang asawa na si Derek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Isha Ponti

Isha Ponti walang isyu sa taguring Asia’s Pop Sweetheart 

HARD TALKni Pilar Mateo ANG tanong ko sa kanya kung ano ang likas sa isang Isha …

Joel Lamangan Vean Cancino Olmedo

Joel Lamangan nabighani sa ganda at galing ni Vean Cancino Olmedo

HARD TALKni Pilar Mateo DALAWANG Sabadong nagsilbing hurado sa pagtatanghal ng mga bagong sumabak sa …

Alfred Vargas Yasmine Espiritu-Vargas

 Alfred at Yasmine umapela: mga ebidensiya binalewala

UMAPELA ang mag-asawang Alfred Vargas at Yasmine sa Manila Prosecutors’ Office na suriing muli ang resolusyong nagbabasura sa isinampa …

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …