MATABIL
ni John Fontanilla
NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na kasama sa pelikulang Bar Boys 2 na official entry sa Metro Manila Film Festival 2025 bilang si Arvin Asuncion.
Tsika ni Will, “Lahat po kami ang focus po talaga namin ay ang career po namin ngayon. Kasi may kanya-kanya po kaming gustong maabot sa buhay.”
Dagdag pa nito, “Kasi marami namang oras para sa pag-ibig. Itong opportunity na ito hindi po natin malalaman kung kailan matatapos or kung magtatagal po talaga.
“So, habang mayroon po, focus muna talaga.”
Sa ngayon nga ay single at walang lovelife si Will.
“Mas gusto ko muna mag-focus talaga sa career, marami pa po akong gustong matupad na mga pangarap, katulad ng bahay, gusto ko pong magkaroon ng sariling bahay.
“And right now medyo mahirap magka- lovelife kasi masyadong busy at marami po talaga akong ginagawa.”
Aminado naman ito na sa mata ng netizens ay may kompetensiya na nagaganap sa kanila ni Dustin Yu, pero kay Will wala namang kompetensiya sa kanila.
“Ako po I don’t really find it as competition talaga, eh. Ako whenever na binibigyan ako ng trabaho ginagawa ko lang po ang best ko.
“Kumbaga, 100 % lang talaga every time na may character ako na pinu-portray.
“Kumbaga, it’s up to the people na po kung paano nila tatanggapin talaga ‘yun.
“And siyempre, ‘yung trust ng mga director sa akin. ‘Yun po talaga ang pinaka-importante.
“Gusto ko po kasi talaga kapag umaarte ako makaiwan ng lessons. Maiwan ‘yung character, tumatak ‘yung character na pinu-portray ko.”
Sinabi naman ni direk Kip Oebanda, mahusay si Will sa role na ginampanan sa Bar Boys 2.
Makakasama ni Will sina Carlo Aquino, Rocco Nacino, Enzo Pineda, Kean Cipriano, Glaiza de Castro, Klarisse de Guzman, Therese Malvar, Sassa Gurl, Emilio Daez, Bryce Eusebio and Ms. Odette Khan. Produced by 901 Studios. Showing on December 25, 2025.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com