DALAWANG araw ipinagdiriwang ang mga kaganapan sa Whisky Live Manila noong Oktubre 10-11, 2025, sa Shangri-La The Fort, Taguig City na ibinahagi ang husay sa pagkakagawa ng Whisky, ang katangi-tanging lasa at sophistikasyong naibibigay nito.
Ang espesyal na pagdiriwang ay nagtipon sa mga connoisseur at mga baguhan sa larangang ito para ipatikim sa kanila sa pamamagitan ng mga naganap na masterclass ang mga whisky na makikita sa pagtitipon. Ang kaganapang ito ay siyang nagdala sa mga bisita nito sa isang napakagandang uri ng karanasan.
Tinanggap ng NUSTAR Online ang tungkulin nito bilang opisyal na sponsor sa pagdiriwang ng Whisky Live Manila, na sila ay nakibahagi sa mga gawain ng brand na nagpapakita ng tunay na karanasan. Sinuportahan nito ang pinakamahuhusay sa pagtikim ng whisky na sumasalamin sa brand na ang nais ay mailagay ang karanasang ito bilang “elevated leisure”. Ang pag-uugnay na ito sa mga tagatangkilik ng gawaing ito ay nakaangkla sa gabay nitong pilosopiyang “Luxury Made for All.”
Ang parehong brand ay naglalaman ng kahusayan, panlasa, at pagiging sopistikado. Ang Whisky Live Manila ay naghatid sa atin sa mundong natatangi ang lasa sa pamamagitan ng pagtikim at pagsasagawa ng mga masterclass habang ang NUSTAR Online ay nagdala sa atin sa parehong antas ng kahusayan gamit ang digital entertainment na tila natural ang lumabas na pagsasama.
Itinampok din sa NUSTAR Online Exclusives ang iba pang kaganapan sa likod ng Whisky Live Manila na pinangunahan ni Jercy Raine Cruz. Ito ay nagbigay daan sa mga manonood na makita ng malapitan ang bawat buhos ng Whisky bilang sining at ang kulturang taglay ng pagdiriwang na ito.
Ang pakikilahok ng NUSTAR Online sa Whisky Live Manila ay nagbigay daan sa kanila na kumonekta sa isang komunidad na may pagpapahalaga sa pinakamataas na antas na karanasan at refined indulgence. Pinahusay ng brand ang naturang pagtitipon sa pagpapa-raffle ng mga premium giveaway tulad ng libreng credits, at mga bote ng Japanese fine whisky at nag-alok ng showcase na akma sa pagdiriwang ng Whisky Live Manila.
“Pinalalim nito ang koneksiyon ng NUSTAR Online sa mga tastemakers at connoisseurs na siyang naglalagay sa brand bilang bahagi ng premium lifestyle culture ng bansa,” sabi ni Krizia Cortez, Direktor ng Public Relations ng NUSTAR Online.
Dagdag pa rito, ang pakikipagtulungang ito ay nagbigay gantimpala para maipakita ang husay at galing sa paggawa ng whisky at ang sophisticated digital entertainment na pinagsama sa isang napakagandang pagdiriwang.
Ang kaganapang ito ay isang pagpapatunay sa pangako ng NUSTAR Online na ipagpatuloy ang pag-ayon sa mga kaganapang naglalaman ng karangyaan at pagiging sopistikado para mas maiangat pa ang pamantayan para sa modernong pamumuhay at pakikipagtulungan.
Ipadama ang Luxury Made for All – bisitahin at magparehistro sa www.nustargame.com para makakuha ng hanggang P880.00 registration bonus at tuklasin ang mundo kung saan ang refined taste ay pinagtagpo ang premium entertainment.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com