Aiai delas Alas

Ai Ai  may kanta para sa mga Millennial at Gen-Z 

MATABIL
ni John Fontanilla

MAY bagong kanta si Ai Ai Delas Alas para sa mga Millennial at Gen-Z listeners, ang  Haliparot Delulu.

Post ng tinaguriang Comedy Concert Queen sa kanyang Instagram“Hintayin n’yo ang napakaganda kong music video kasama ng sayaw na bonggang-bongga pang-Millennial pati Gen Z!” 

Ang awiting Haliparot Delulu ay tungkol sa mga taong madaling ma-fall sa mga sweet word at gestures.

Available na ang Haliparot Delulu sa Spotify at iba pang streaming app. kaya download na!