Thursday , June 4 2026
Ryan Bang Paola Huyong Vice Ganda Ion Perez

Ryan may ibinuking kina Vice Ganda at Ion: role model sa pag-ibig

MA at PA
ni Rommel Placente

NAKASAMA nina Vice Ganda at Ion Perez ang anak-anakan nilang si Ryan Bang sa  7th anniversary celebration nila bilang couple na mapapanood sa latest YouTube vlog ng Unkabogable.

Maraming napag-usapan ang tatlong host ng It’s Showtime, kabilang na ang tungkol sa pag-ibig at kung paano mas gagawing solid ang pagsasama ng mga magdyowa.

“Love makes life more exciting kaya ang daming gusto mong subukan kasi parang nakae-excite,” sabi ni  Vice.

Sabi naman ni Ryan, “Love is hard din, difficult. Hindi siya madali. Akala ko rati ang pinakamahirap sa mundo natin ‘yung business, negosyo. Mahirap din ‘yun eh. Pero ang pinakamahirap pala love.”

Paliwanag  pa niya, “Katulad sinabi mo may plan ka. Pero hindi natutuloy ‘yung plan mo. Pero you have to enjoy it. Accept it.”

Pagpapatuloy ni Ryan sa pakikipag-kuwentuhan kina Vice at Ion, “Alam n’yo rati ‘yung siyempre mayroon din akong relationship. 

“Kung sa relationship ko siyempre kung ano ang nakikita at natutunan ko sa parents ko. They are separate but they still love each other,” saad pa ni Ryan.

Dito na nabanggit ng komedyante na hanga at saludo siya sa relasyon nina Vice at Ion dahil habang tumatagal ay mas lalong lumalalim at tumitindi ang pagmamahal nila sa isa’t isa. Role model nga niya ang kanyang “mami” at “dadi” pagdating sa usaping love.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …