Thursday , March 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Loisa Andalio Carla Abellana

Loisa mas kinabahan kay Carla kaysa mga tagpo sa SRR

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

SAYANG-SAYA kapwa sina Loisa Andalio at Carla Abellana sa pagkakasama sa tinaguriang iconic horror movie na Shake, Rattle and Roll: Evil Origins ng Regal Entertainment Inc., at isa sa  official entries sa 2025 Metro Manila Film Festival.

Aminado si Carla na mahilig siyang manood ng horror films. “I love horror films. Minsan nanonood ng horror na patay ang ilaw or ako lang mag-isa sa bahay. But I love horror films. I find enjoyment watching horror movies.” 

Hindi rin matatakutin si Loisa at mahilig ding manood ng horror films. “Hindi rin ko matatakutin dahil mahilig akong manood ng horror films kaya excited ako when shooting ‘SRR.’ 

Magkasana sina Carla at Loisa sa 1775 episode ng  SRR na gumaganap silang mga madre. Ang set nito ay isang Spanish colonial period sa Pilipinas na ilang grupo ng mga madre ang naghahangad makaligtas mula sa isang hindi kilalang kasamaan na pinakawalan sa loob ng kanilang cloister.

At dahil medyo may pagka-creepy ang kanilang episode inamin nina Carla at Loisa na nakaramdam sila ng kakaiba habang nagsu-shoot. Si Shugo Praico ang direktor ng kanilang episode na ang mga location at production design ay talagang makapanindig-balahibo na.

“Sa experience ko  sa shooting ng ‘1775,’ nararamdaman po ‘yung pagka-eerie ng vibe. Mararamdaman ninyo ‘yung dilim kasi sobrang dilim. 

“Noong panahon po ng 1775, kandila lang ang ilaw. Mararamdaman ninyo ‘yung setting dahil sa mga historical locations kami nag-shooting, including Intramuros.

“Tapos ‘yung mga itsura pa namin. So, hindi lang siya basta-basta historical or period, kaya period ‘yung aming setting. 

So, from the costume to the makeup, the production design, talagang medyo nakakapangilabot siya,” dire-diretsong kuwento ni Carla ukol sa kanilang episode nang  makahuntahan namin sa isang pocket presscon na ginawa sa 38 Valencia Events Place. 

“Yes. Tama po ‘yung sinabi ni ate Carla. Nasabi na niya lahat. ‘Yun, kasi wala naman din akong naramdaman na kakaiba sa set kasi masasaya naman ‘yung mga taong naroon. Masaya lang kami.

“Pero siyempre, ‘pag action na, ayun na ‘yung takutan, dumidilim na, pinapatay na ‘yung mga ilaw.” 

Ibinuking naman ni Loisa ang sarili pagsasabing matagal na niyang idolo si Carla kaya sobra-sobra ang excitement niya nang malamang gaganap silang magkapatid sa unang episode ng SRR, ang 1775.

“Kinakabahan din ako kasi karamihan sa mga cast, si ate Carla, pinapanood ko po talaga ‘yung mga show niya sa GMA. Tapos naka-work ko na siya,” masayang wika ni Loisa.

“Kaya ayun, nakakakaba talaga, may pressure. Mas kinabahan ako sa mga eksena namin kaysa character talaga,” giit pa ni Loisa. 

Kasama sa 1775 episode ng SRR Evil Origins sina Ashley Ortega, Ysabel Ortega, Elijah Alejo, Arlene Muhlach, Ara Mina, at Janice de Belen. Mapapanood ito sa December 25 bilang bahagi ng 51st MMFF.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Angelika Santiago

Paggawa ng teleserye na-miss ni Angelika Santiago, mapapanood muli sa “Born to Shine”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NALAMAN namin ang ilan sa mga pinagkakaabalahan lately ng Kapuso …

Tony Labrusca Yuki Sonoda Kelley Day All About Her

Tony Labrusca, happy na makatrabaho sina Yuki Sonoda at Kelley Day sa “All About Her”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Tony Labrusca na masaya siya sa bago niyang …

Maya Maris Racal Julia Barretto

Julia at Maris ipinakita kung gaano kabilis mag-Loan sa Maya

KUNG napanood mo sina Julia Barretto at Maris Racal sa kasalukuyang Maya video na nagsasampalan ng pera, alam mo na kaya …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …

Jean Garcia

Jean Garcia kaagapay ng RDR Prod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus INANUNSIYO ng RDR Productions, gumagawa ng mga film, socmed stories, at ilan pang …