Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
UnMarry Im Perfect Love You So Bad BarBoys 2025 MMFF

UnMarry, I’m Perfect, Love You So Bad, BarBoys pasok sa Final 4 entries ng 2025 MMFF

I-FLEX
ni Jun Nardo

BALIK sa walo ang official entries para sa 2025 Metro Manila Film Festival na ginawang sampu last MMFF 2024.

Ang huling apat na official entries para sa December film festival base sa finished product eh ang mga pelikulang Unmarry na comeback film ni Angelica Panganiban at si Zanjoe Marrudo ang kapareha; Love You So Bad nina Will Ashley, Dustin Yu, at Bianca de Vera; I’m Perfect nina Lorna Tolentino, Janice de Belen , Sylvia Sanchez at mga baguhan na may Down Syndrome; at Bar Boys: After School nina Carlo Aquino, Rocco Nacino, Enzo Pineda, Kean Cipriano, Odette Khan, Sassa Gurl, Therese Malvar, Glaiza de Castro, Klarisse de Guzman, Will Ashley, at Benedix Ramos.

Ang apat na pelikulang unang napili base sa script ay ang Shake, Rattle & Roll: Evil Origins; Call Me Mother; Manila’s Finest, at Rekonek

Sa walong entries, mahuhulaan na kung anong pelikula ang lalabas na top grosser sa unang araw ng festival Sa December 25 base sa track record ng bida. Eh baka lumaban ang mga movie na tampok ang mga young star! 

Makati City ang LGU na in-charge sa festival at bukod sa Parada ng mga Bituin, marami pang activities ang MMDA para sa maningning na 2025 Metro Manila Film Festival.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …