Thursday , June 11 2026
The Marianas Web Ruben Soriquez

Ruben Soriquez, tampok sa sci-fi thriller movie na “The Marianas Web”

ISANG kakaibang sci-fi/horror thriller movie ang tatampukan ng Fil-Italian actor/director na si Ruben Soriquez sa pelikulang “The Marianas Web” na mapapanood na sa mga sinehan sa October 15.

Ang pelikula na pinamahalaan ng Italian director na si Marco Calvise, ay tinatampukan din nina Alexa Ocampo, Sahara Bernales, Asia Galeotti, Luca Biagini, Andrea Dugoni, at iba pa.

Ito ay hinggil sa isang simpleng magsasaka sa Italy na si Fosco (Ruben), na makikila sa online si Mariana (Alexa). Siya ay isang misteryosang babae, na lingid sa kaalaman ni Fosco ay nagtataglay ng isang kakaibang kapangyarihan at doon na nagsimula ang gulo sa buhay ng magsasaka.

Mapapanood sa pelikula ang ilang eksena ng karahasan at sexual, dahil kailangan talaga ito sa kuwento. May madugong eksena rin, na sangkap para mas tumutok ang moviegoers sa kabuuan ng pelikula.

Aminado si direk Ruben na kakaibang challenge sa kanya ang pelikula niyang ito, na co-producer din siya.

Aniya, “This is not an ordinary horror film, there’s a lot of sci-fi…  It’s a very difficult film to produce because it’s heavy on visual effects. We also featured amazing Italian landscapes. We shot also in different scenic spots in the Philippines.”

Pahayag ni Direk Ruben, “Basically the message (of the film), it is very dangerous to spend more time on your (computer) screen, as far as relationships is concern.

“This is the first time that I co-produce and star in a sci-fi movie. It is hard for me… Artificial intelligence is changing our world as virtual reality permeates our lives. We are losing touch with what really matters… real and meaningful human relationships.

“Definitely, this is something new from me. The film is about the danger of our modern technology, the peril of spending too much time in the virtual space that poses a threat to weak and lonely people,” sambit pa ni direk Ruben na bukod sa pagiging aktor ay isang singer-composer din.

Pagkatapos ng theatrical release ng The Marianas Web sa Filipinas, nakatakda rin itong ipalabas sa Italy, India, USA, at iba pa.

Ang ilang eksena sa pelikula ay kuha sa Italy at sa Philippines. Ang post-production ng pelikula ay ginawa sa Philippines sa tulong ng magagaling na post-production artists tulad ng sound engineer na si Ronald De Asis, colorist John Tan at ng team ng VFX artists, coordinated by Italian director at ng VFX supervisor na si direk Paolo Bertola.

Kasamang producer ng pelikula sina Wellington Soong at Direk Marco. Ang distributors ng pelikula ay ang Crystalsky Entertainment at Cardinal XD.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Roderick Paulate

Roderick Paulate gusto nang mag-asawa

MATABILni John Fontanilla SA edad 66, single at patuloy pa ring umaasa at naghahangad na …

Puregold OPM Con Generations

Mula grocery cart tungong concert
Libreng tiket sa Puregold OPM Con Generations paano makukuha?

SIMULA na ng pag-aabang sa kapana-panabik na Puregold OPM Con Generations!  Habang naghahanda ang mga tagahanga …

Taking Care of Our Own, SPEEd Cares

Mga senior, retiradong manunulat, at editors emosyonal sa SPEEd Cares 2026

MATAGUMPAY na naisagawa ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ang outreach-fellowship program noong Mayo 30 bilang …

Zhang Yingfei Linda Walker

Chinese actress Zhang Yingfei o Linda Walker nakiramay sa mga biktima ng lindol

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAABOT ng Chinese actress na si Zhang Yingfei o mas kilala sa pagganap …

Cassy Legaspi

Cassy iginiit single at walang karelasyon

MATABILni John Fontanilla KUMALAT kamakailan sa social media ang mga larawan ni Cassy Legaspi habang nagbabakasyon sa …