Thursday , June 4 2026
KMJS Gabi ng Lagim The Movie

KMJS Gabi ng Lagim The Movie cast ipinakilala; teaser trailer million views agad

RATED R
ni Rommel Gonzales

MULA sa telebisyon, mapapanood na ang inaabangang Halloween special ng Kapuso Mo, Jessica Soho na Gabi ng Lagim sa mga sinehan. Pangungunahan ito ng award-winning journalist na si Jessica Soho na siyang maglalahad ng mga nakatataas-balahibong kuwentong mapapanood na bilang pelikula.

Kabilang sa main cast sina Sparkle artists Jillian Ward, Sanya Lopez, at Miguel Tanfelix na magbibigay-buhay sa mga kuwentong tampok sa KMJS Gabi ng Lagim The Movie. Kasama rin ang aktor na si Elijah Canlas sa mga aabangan sa movie.

Isa ang Gabi ng Lagim Halloween special ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa mga inaabangan ng viewers tuwing sasapit ang Undas. Wala pa ngang 24 oras ay pumalo na agad ang teaser trailer nito ng 3 million views across all platforms.

Base sa totoong buhay ang mga kuwentong itinatampok dito. Noong 2024, nag-announce ang KMJSng call for submission para sa mga totoong kwentong katatakutan mula sa publiko para sa pagkakataong maitampok sa pelikula. 

Tiyak na aabangan ito!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …