Monday , April 6 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Wild Boys Aljur Abrenica Vin Abrenica

Vin, Aljur deadma sa promo ng WildBoys, posibleng sampahan Breach of Contract

HARD TALK
ni Pilar Mateo

IPALALABAS na very soon ang Wild Boys na likha ng aktor at direktor na si Carlos Morales.

Ipinakilala na ng Bright Ideas Productions ang cast na kinabibilangan nina Nico Locco, Kristof Garcia, CJ Garcia, Rash Flores, Pedro Red, Christina Ty, kasama sina Rolando Inocencio,  Cataleya Surio, Atakstar, at Inday Garutay.

Pero may isang kasama sa long table na nakaupo ang cast. Si Atty. Noel Atienza. Bakit siya nakaupo roon?  Artista rin ba siya?

Walang special participation sa pelikula si Atty. Atienza.

May mga bagay siyang nilinaw dahil sa reklamo ng produksiyon sa dalawang bida ng pelikula.

Ang magkapatid na Abrenica na sina Vin at Aljur.

Dahil tila nakalimutan umano ng dalawa ang obligasyon nila sa kanilang trabaho kahit natapos na ang mga eksena nila sa harap ng kamera.

Promo time na. Hindi sila sumisipot. Hindi sumsagot sa mga taqa-produksiyon sa kanila. Hindi nakikipag-communicate para maayos kung mayroon silang dinaramdam laban sa produksiyon o sa mga nakasama nila sa trabaho o sa set.

Naghayag ng saloobin nila ang nasa cast gaya ni Nico. Na nakaramdam na sa nangyayari ay nagpapakita ng pagiging unprofessional ang magkapatid. Pero nilinaw nila na wala naman sa kanila ang nagkaroon ng problema sa dalawa at natapos naman nila ang kanilang mga eksena.

Nasa Amerika naman si direk Carlo na isang Nurse roon at nakatakdang magsilang ang misis kaya ‘di muna makauuwi.

Breach of contract ang sinasabing isasampang reklamo kina Vin at Aljur kung hindi magkakaayos o magkakausap sa mga bagay na dapat nilang gampanan.

Samantala, PG-13 ang nakuha nitong rating sa MTRCB. Kaya masasabing kahit ang istorya nito ay umikot sa buhay ng bar boys ay may kukurot sa puso ng mga manonood sa istorya ng bawat karakter.

May ari ng gay bar si Rollie at si Inday ang mala-Mama Sang dito at taga-ayuda niya si Cataleya with Atakstar.

Mukhang nadala ng dalawang comedy bar hosts sa pelikula ang magandang kemistri at mismong ang kasama nilang si Cataleya ang nagsabing ang puso ng pelikula ay iikot kay Inday.

Sana bago sumapit ang showing nito sa Agosto 13, 2025, nagka-ayos na ang magkapatid at ang producer nila para everybody happy.

Hindi syempre maganda na matatakan ng hindi magandang rekord sa trabaho niya ang isang artista. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Eddie Bong Soriano The Bravest Knight

Pinoy animator nominado sa 2026 Canadian Screen Awards

ISA na namang Pinoy animation artist ang kinilala sa global entertainment stage. Dahil sa galing …

Beautéderm Rhea Tan namahagi ng tulong delivery riders tricycle drivers

Beautéderm CEO na si Rhea Tan, namahagi ng tulong sa 200 delivery riders at tricycle drivers 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NABIYAYAAN ang 200 delivery riders at tricycle drivers ng mga …

Sofia Pablo Allen Ansay Marco Masa Charlie Fleming Michael Sager Kira Balinger Josh Ford Sean Lucas Anthony Constantino

Sofia at Allen masusubok ang lakas

HARD TALKni Pilar Mateo INTERNET culture. Deep rooted folklore.  Franco Mortiz ang direktor. Si Ays de Guzman ang …

Salome Salvi

Kasong isinampa kina Salome at Tyo Bri ng KSMBPI tuloy pa rin

HARD TALKni Pilar Mateo TULOY pa rin ang paghahatag ng kaso ni Dr. Michael Raymond A. …

Anton Vinzon Kamao

Anton Vinzon muling sasabak sa aksiyon

I-FLEXni Jun Nardo INAABANGAN ng fans kung sino ang magiging leading lady ni Anton Vinzon sa launching …