MATABIL
ni John Fontanilla
NAGPAIYAK ng maraming tao ang mga batang bida sa advocacy film na Aking Mga Anak na sina Jace Fierre as Gabriel, Juharra Zhianne Asayo as Julia, Alejandra Cortez as Pauline, Madisen Go as Heaven and Candice Ayesha as Sarah.
Sa naganap na premeire night ng Aking Mga Anak sa SM Megamall Cinema 2 kamakailan ay pinahanga ng mga bagets ang mga manonood sa husay ng magsipag-arte.
Ang Aking Mga Anak ay istorya ng limang magkakaibigang bata na may kanya-kanyang kuwento sa kanilang mga pamilya.
Maraming aral ang makukuha sa pelikula ng mga magulang at mga anak at kaibigan.
Mahuhusay din dito sina Hiro Magalona, Natasha Ledesma, Prince Villanueva, Patani Dan̈o, Klinton Start, Ralph Dela Paz, Art Halili Jr., at Ms. Cecille Bravo.
Magkakaroon ng advance screening ang Aking mga Anak sa SM IloIlo sa August 9 & 10, habang sa September 3, ang showing nito nationwide. Hatid ng DreamGo Productions ni Mr. Jimenez at ng Viva Films, directed by Jun Miguel.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com