Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Food Delivery Fresh from the West Philippine Sea MTRCB

‘Food Delivery: Fresh from the West Philippine Sea’ kabilang sa 287 pelikula na inaprubahan ng MTRCB

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

KINUMPIRMA ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na binigyan nito ng angkop na klasipikasyon ang pelikulang “Food Delivery: Fresh from the West Philippine Sea,” isang dokumentaryo tungkol sa buhay at pakikipagsapalaran ng mga mangingisdang Filipino sa West Philippine Sea.

Ang pelikula ay pinarangalan sa Doc Edge Festival sa Auckland, New Zealand.

Ayon sa MTRCB, kabilang ang docu-film sa 287 na pelikulang nakatanggap ng angkop na klasipikasyon para maipalabas sa mga sinehan para sa unang kalahating taon ng 2025.

Mula sa isinumiteng aplikasyon ng Insight 360 Consultancy Services Inc. noong Marso 2025, ito ay rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang) mula sa Board—para sa edad 13 pababa, basta’t may kasamang magulang o nakatatanda.

Noong Hunyo 2025, muling nagsumite ng aplikasyon ang producer nitong Voyage Film Studios Inc.na may pamagat na “Food Delivery,” at nakatanggap din ng PG rating.

Ayon kina MTRCB Board Members Ricardo Salomon, Jr., Richard Reynoso, at Racquel Maria Cruz, “Ang materyal ay naglalaman ng mga tema at eksenang mas mauunawaan ng mas batang manonood kung may gabay ng magulang o nakatatanda.”.

Muling pinagtibay ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio ang suporta ng Board sa mga pelikulang may layuning magbigay-kaalaman at inspirasyon.

“Sa pamamagitan ng aming angkop na klasipikasyon, layunin naming protektahan ang mga manonood, partikular ang mga batang Pilipino, habang ating isinusulong at hinihikayat ang responsableng panonood at paglikha,” sabi ni Sotto-Antonio.

Ang 287 na inaprubahang pelikula ay binubuo ng iba’t ibang lokal at banyagang genre gaya ng drama, komedya, dokumentaryo, animasyon at independent films. Dumaan ang mga ito sa masusing proseso upang matiyak ang angkop na klasipikasyon alinsunod sa pamantayan at alituntunin ng MTRCB.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …