Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Barbie Forteza
Barbie Forteza

Barbie handa nang magmahal muli, wala pang nagpaparamdam

MA at PA
ni Rommel Placente

SINGLE pa rin hanggang ngayon ang Kapuso actress na si Barbie Forteza ilang buwan matapos silang maghiwalay ng kanyang ex-boyfriend na si Jak Roberto.

Ayon kay Barbie, wala pang nagpaparamdam o nanliligaw sa kanya ngayon. Biro pa niya, multo lang daw ang nagpaparamdam sa kanya.

Hindi naman siya strict about pagpapaligaw. Kung may magpaparamdam o manliligaw sa kanya, ay wala namang problema. Na ang ibig niyang sabihin ay ie-entertain niya.

So, handa na palang magpaligaw si Barbie, ‘di ba?

Kung wala pang bagong boyfriend si Barbie, may bago naman siyang serye sa Kapuso network. Talagang hindi siya nababakante sa work, dahil kapag natapos na ang isa niyang proyekto, mayroon agad itong kasunod. Kaya naman feeling blessed and  grateful lagi ang dalaga.

Busy ngayon si Barbie sa bago niyang GMA series, ang Beauty Empire kasama sina Kyline Alcantara, Ruffa Gutierrez, Gloria Diaz at iba pang Kapuso stars.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …