Friday , June 5 2026
TATAND-Joola kampeon sa 1st TOTOPOL-Fishbroker Table Tennis tilt
ANG mga manlalaro ng TATAND-Joola ay ginawaran ng kanilang mga medalya at premyo mula sa mga organizers.

TATAND-Joola kampeon sa 1st TOTOPOL-Fishbroker Table Tennis tilt

GINAPI ng Table Tennis Association for National Development (TATAND)-Joola ang Team Priority, 2-0, para angkinin ang team championship sa 1st TOTOPOL Fishbroker International Veteran Table Tennis nitong weekend sa Table Tennis Academy Spinora-Ayala Malls sa Pasig City.

Dinaig ni Michael Dalumpines ang karibal na si Richard Nieva, 3-0, habang umiskor ng 3-1 panalo ang kakampi na Taiwanese na si Makoy Yap laban kay Benedict Gaela para ibigay sa TATAND-Joola ang inaasam na titulo  sa isang araw na torneo na sinusuportahan ng Totopol Fishbroker, Chawi Sports Center, Joola Philippines, Spinora Table Tennis Haven, Table Tennis Haven, at Ayala the 30th .

Kinumpleto ni dating TATAND executive Philip Uy ang three-man squad ng TATAND-Joola.

Naisayos ng TATAND-Joola at Team Priority ang titular match matapos manalo sa kani-kanilang semifinal duel sa one-round 10-squad competition na tampok ang mga nangungunang beteranong manlalaro mula sa Myanmar, Malaysia, Taiwan, at China. Ang torneo ay naglalayon na pasiglahin ang internasyonal na pakikipagkaibigan, ipagdiwang ang mga kasanayan at dedikasyon ng mga beteranong manlalaro, at itaas ang table tennis sa rehiyon.

Tinalo ng TATAND-Joola ang sister squad na TATAND-Marclyn (Rodel Valle, Greg Pascua at Marcos De Jesus), 3-0, habang tinalo ng Team Priority ang PNP Table Tennis Club (Intoy Castillo, Butch Espirito at Sam Arong), 2-1, sa Final Four match.

“We’re very grateful to all our sponsors and participants. Yung adhikain namin na ma-inspired ang mga kabataan na maglaro ng table tennis ay talagang nakakatuwa na makitang marami ang nanood sa ating tournament,” sambit ng organizer na si dating SEA Games medalist and National coach Julius Esposo. (HATAW Sports)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Christopher Papa Tennielle Madis Palawan Open Tennis

Papa, Madis kampeon sa kauna-unahang Palawan Open

NASUNGKIT nina Filipino-American tennis player Christopher Papa at ng batang lokal na manlalaro na siTennielle …

Ana Bhianca Espenilla Jerico Cadag Asian U20 Athletics

Espenilla, Cadag naghatid ng makasaysayang medalya sa Asian U20 Championships

HONG KONG — Naghatid sina Ana Bhianca Espenilla at Jerico Cadag ng karangalan para sa …

Jeralyn Rodriguez Asian U20 Athletics

Rodriguez nakamit ang Kwalipikasyon para sa World U20 Athletics Championships

HONG KONG — Nagpakitang-gilas si Jeralyn Rodriguez sa 22nd Asian U20 Athletics Championships matapos maitala …

Volleyball

POC General Assembly, Inaasahang Sususpendehin din ang PNVF

INAASAHANG opisyal na sususpindihin ng Philippine Olympic Committee (POC) General Assembly ang Philippine National Volleyball …