RATED R
ni Rommel Gonzales
DAHIL isang horror film ang Lilim, pinagkuwento si Heaven Peralejo ng nakakikilabot na karanasan sa tunay na buhay.
Nangyari raw ito noong nakatira si Heaven sa isang condominium unit.
“Every night, as in hindi ako nagdyu-joke, every night, binabangungot ako.
“‘Yung bangungot as in ‘yung tipong sumisigaw ako ‘pag gumising ako kasi hindi ko kayang gumising mag-isa.
“Like alam mo ‘yung hirap na hirap kang gumising, ‘yung ginagalaw mo ‘yung katawan mo pero ayaw?
“So parang ‘pag nagising ka, ‘Aaaahhh!’
“Like ganoon talaga. Tapos sabi ko,’ Bakit kaya?’
“Hindi ko naman din alam kung bakit pero naiinis na ako kasi hindi ako makatulog na mag-isa.”
Ang naisip ni Heaven, dahil ang lola niya ay nakakikita ng espiritu, pinapunta niya ito sa condo niya.
“So iyon pala, all along, naroon lang pala sa may… ‘Heaven, may nakatayo rito,’ sabi ng lola ko. ‘Ha, Talaga ba?’
“Sa corner pala niyong kuwarto ko na kung saan ako naka-face, may lalaki raw na nakatingin lang. So ako, ‘Ha?!’
“So after ko nalaman, tumaas talaga ‘yung balahibo ko!”
At umalis na si Heaven sa naturang condo.
Samantala, kasama ni Heaven sa Lilim sina Eula Valdes, Ryza Cenon, Mon Confiado, Skywalker David, Rafa Siguion-Reyna, Nicole Omillo, Phoebe Walker at marami pang iba.
Palabas na bukas, March 12 ang Lilim sa mga sinehan mula sa Viva Films at sa direksiyon ni Mikhail Red.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com