Wednesday , August 13 2025
Rhian Ramos Sam Verzosa SV

Rhian sa pagpapa-sexy sa socmed — Si SV ‘yung not the tipo na parang sobrang protective

MA at PA
ni Rommel Placente

NAMAALAM na sa ere ang public service  program ni Sam Verzosa, ang Dear SV.  Bawal na kasing napapanood sa telebisyon si Sam, dahil tumatakbo siya sa  mayoralty race sa Manila.

Ang pumalit sa iniwang show  ni Sam ay ang travel/lifestyle show na Where in Manila, na ang  host nito ay ang kanyang girlfriend na Rhian Ramos.

Sa March 8, Saturday na ang pilot episode nito, 11:30 p.m. sa GMA 7.

Sabi ni Rhian tungkol sa kanyang bagong show, “I am so so excited to be hosting this show. It’s not just going to be an experience and a learning experience for our audience, pero siyempre para sa akin din.”

Dagdag niya, “We call it ‘Where In Manila.’ But it’s actually covering the whole Metro Manila. Of course, this is our capital, it’s the capital of the Philippines. And so much can be found here.

“In our first shoots pa lang, I’ve been able to have a lot of  first time experiences also. 

“I just want to  help to celebrate with our audience what can be found dito mismo sa Pilipinas.”

Natutuwa ang aktres na nabigyan siya ng ganitong klase ng show dahil aniya ay mahilig din kasi siyang mag-travel, at  magagawa niyang mapuntahan ang iba’t ibang magagandang lugar sa Manila. 

Where In Manila will serve as your ultimate guide in exploring the Metro.  Masaya ang show at napaka-informative. It will allow us to discover the best restaurants, kung saan tayo puwedeng kumain, the trendiest hang outs, and must visit destinations in Manila.

The rogram will also uncovered the history, culture, roots and significance of places and trends around the city.

Samantala, natanong si Rhian kung ano ang reaksiyon ni Sam sa pagpo-post niya ng sexy photos sa socmed.

Sagot niya, “Ilang years na rin ako sa showbiz. Feeling ko, kahit paano, nakilala na rin ako ng mga tao. Alam nila ang aking kakulitan, sense of humor, kung ano ‘yung mga trip ko na damit.

“You can see it all naman on my Instagram. Si SV naman ‘yung not the tipo na parang sobrang protective na, ‘Uy, ayaw kong nagsusuot ka ng sexy.’ He really just lets me do what I want and accepts me for the way I am,” wika ni Rhian.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Cecille Bravo Aking Mga Anak

Philanthropist-Businesswoman Cecille Bravo mahusay sa Aking Mga Anak 

MATABILni John Fontanilla MARAMING nagulat sa ipinakitang husay sa pag-arte ng Philanthropist at Celebrity Businesswoman …

Elias J TV Beverly Labadlabad

Selos dahilan ng away nina Beverly at Elias 

MATABILni John Fontanilla MARIING pinabulaanan ng businesswoman-talent manager na si Ms. Beverly Labadlabad ang bali-balita na may …

Gary V Angeli Pangilinan

Gary V nakaranas ng tunay na himala

MA at PAni Rommel Placente NOONG August 6 ipinagdiwang ni Gary Valenciano ang kanyang 61st birthday kasabay …

Toni Gonzaga Bayani Agbayani Alex Gonzaga Isko Salvador Brod Pete Eric Nicolas

Bayani inilaglag si Alex, pinuri si Toni

MA at PAni Rommel Placente SA bagong game show ni Toni Gonzaga na Ang Tanong, ay naging players …

Vanderlei Zamora

Vanderlei Zamora bagong aabangan sa mundo ng pageantry 

MALAKI ang tsansang makuha ni Vanderlei Zamora ang titulo bilang Mister Teenager Universe 2026 na gaganapin sa Surabaya, Indonesia …