MA at PA
ni Rommel Placente
INI-REVEAL ni Priscilla Meirelles sa guesting niya sa Fast Talk With Boy Abunda ang pinagdaanang health issue kamakailan. Na-diagnose siya ng endometriosis.
Base sa isang health website, nangyayari ang endometriosis kapag ang tissue “similar to the inner lining of the uterus grows outside the uterus.”
Sa kondisyong ito, kumakapal ang tissue at dumudugo na nagdudulot ng sakit tuwing may buwanang dalaw. Dito na mabubuo ang mga cyst na tinatawag na endometriomas kapag naapektuhan na ang obaryo.
Ilan sa mga sintomas ng karamdamang ito ay ang nararamdamang sakit tuwing nireregla, habang o pagkatapos ng pakikipagtalik, sakit sa pagdumi o pag-ihi, labis na pagdurugo.
Pagbabahagi ni Priscilla, “One of the realizations that came to me was that kailangan ko talaga na bumalik sa dating ako, ang Priscilla.
“Kasi through the process ang daming nangyari including a health condition that I had that was endometriosis.”
Dahil dito, sumailalim sa operasyon si Priscilla para tanggalin ang cyst sa kanyang abdominal area.
Kinarir na rin ni Priscilla ang pagbabantay at pagkontrol sa kanyang mga kinakain tulad ng mga pagkaing nagdudulot ng inflammation at mga nagpapagulo sa kanyang hormones.
“I decided that (tatanggalin) ko lahat ng mga pagkain na hindi maganda sa katawan ko.”
Super iwas na rin siya sa mga pagkain na may dairy.
“When I had my problem, the cyst, dairy and sugar they trigger the issue so I’ve decided to take out also lahat ng mga dairy because it causes inflammation sa katawan ng isang babae.
“I’m investing time on myself health-wise, you know, physical health, mental health.
“I have a wonderful relationship with my daughter, and whatever happens in terms of what is my status right now, all I can say is that technically, I’m still married,” aniya pa.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com