Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
MMFF 2024 MTRCB

10 MMFF entries mapapanood pa hanggang Enero14

PINALAWIG pa ang pagpapalabas ng 10 entry ng 2024 Metro Manila Film Festival kaya may pagkakataon pa ang publiko na mapanood ang mga pelikula.

Kaya may pagkakataon pa hanggang Enero 14 na mapanood ang mga pelikulang kalahok sa MMFF. Dating hanggang January 7 lamang ang pagpapalabas ngunit na-extend nga ito hanggang January 14 sa mga piling lokal na sinehan lamang.

Ang sampung pelikula ay kinabibilangan ng ng Topakk, Uninvited, Green Bones, Isang Himala, The Kingdom, Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital, Espantaho, And the Breadwinner is…, Hold Me Close, at My Future You.

Lubos na nagpapasalamat si MMDA and MMFF Chairman Atty. Don Artes dahil sa patuloy na pagsuporta ng publiko sa film fest.

Aniya, “We, at the MMFF, are overwhelmed with the continued support of the public for the festival’s 50th edition. Due to public clamor, we have decided to extend the theatrical run of the MMFF movies to further showcase the locally produced films that are truly impressive and artistically excellent.”

At dahil sa extension, ang MMFF complimentary passes ay ma-e-extend din hanggang January 14.

Inaasahang tataas ang kita sa ticket sales ng MMFF 2024 sa extension. 

Ang mga malilikom mula sa MMFF ay mapupunta sa ilang benepisyaryo ng film industry. Kabilang na ang  Movie Workers Welfare Foundation (Mowelfund), Film Academy of the Philippines, Motion Picture Anti-Film Piracy Council, Optical Media Board, at Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …