MA at PA
ni Rommel Placente
AFTER 4 years ay ngayon lamang ipinagtapat ni Pokwang na may apo na pala siya sa panganay na anak na si Mae Subong. Ibinahagi niya ito sa interview sa kanya ni Boy Abunda. Marami ang nagulat sa rebelasyong iyon ng komedyana ngayong Kapaskuhan. Lola na raw siya at isa ‘yung blessing.
Isa rin sa rason iyon para ipagdasal pa ang sarili niyang humaba pa ang buhay para makita niya ito (apo) paglaki.
Kahit hindi pa kasal ang panganay nang mabuntis ito ay hindi naman siya nakaramdam ng galit.
Basta maka-graduate naman ang anak ay masaya na siya at tinupad ito ni Mae.
Sinunod naman siya ng anak kahit masakit sa likod ang tuition fee nito sa pinapasukang school.
Inireveal pa ni Pokwang na noong mga panahong nabuntis ang anak ay gusto sanang palayasin ng kinakasamang si Lee O Brien ang anak pero hindi siya pumayag dahil naawa siya rito. Sabi raw niya sa dating jowa ay mas kailangan siya ng anak at pandemic pa that time. Isa pa bakit niya palalayasin eh bahay naman niya ang tinitirhan nila.
Sa ngayon bukod sa pagiging ina kay Malia ay masayang-masaya si Pokwang ngayong Pasko na kasama ang apo sa unang anak.