I-FLEX
ni Jun Nardo
SECOND movie na aming napanood sa 10 entries sa 50th Metro Manila Film Festival ang Uninvited ng Mentorque Productions na pinagbibidahan nina Vilma Santos-Recto, Nadine Lustre at Aga Muhlach.
Mula sa simpleng simula, tumataas nang tumaas ang excitement sa movie at damang-dama na ang poot ni Ate Vi sa mga taong kumidnap, humalay at pumatay sa anak niya pati na ang boyfriend nito.
Nailarawan nang husto ni Ate Vi ang sari-saring emosyon sa buong pelikula lalo na noong ending na ng movie at harap-harap sila nina Aga at Nadine.
Lahat magagaling pati na supporting characters gaya nina Tirso Cruz III, Mylene Dizon, RJ Bagatsing, Ketchup Eusebio at marami pang iba.
Hindi kami magtataka kung si Ate Vi ang tanghaling best actress muli ngayong MMFF after ng romcom niya movie last year na When I Met You In Tokyo.
Congratulations sa Team Uninvited pati na kay direk Dan Villegas.