Thursday , June 4 2026
Kuya Kim Atienza Sante

Santé ini-renew partnership kay Kuya Kim

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MALAKI and tiwala ng Sante at dahil na rin sa loyalty at commitment ni Kim Atienza kaya tumagal ng 13 taon ang samahan nila at pagiging ambassador sa kanila. 

Noong Martes muling ini-renew ng Santé, isang leading provider ng premier health at wellness products sa Pilipinas, ang partnership nila sa kanilang brand ambassador na si Kuya Kim.

Mahigit isang dekada nang bahagi ng pamilya ng Santé si Kuya Kim dahil kinakatawan niya ang misyon ng brand na makatulong sa pagpapaganda sa buhay ng mga tao.

Cornerstone ng partnership na ito ang enduring loyalty at commitment ni Kuya Kim sa Santé. Ang kanyang adbokasiya para sa mas malusog at aktibong pamumuhay ay swak sa core values at vision ng produkto. At sa nakalipas na taon, mahalaga ang papel ni Kuya Kim sa pagpo-promote ng mga premium health products ng Santé, habang ibinabahagi ang mga benepisyo ng malusog na pamumuhay sa ‘di mabilang na mga indibidwal at mga pamilya.

Bilang bahagi ng renewed partnership na ito, isa si Kuya Kim sa mga artist na mangunguna sa bago at kapana-panabik na campaign ng Santé, ang Live For More. Mula sa tagumpay ng Live More. Do More, ilalagay ng bagong campaign 

ang mensahe sa mas malawakang platforms para mas marami ang ma-inspire na yakapain ang walang katapusang posibilidad ng buhay at para rin ma-inspire ang mga tao na mabuhay ng may magandang layunin at ng may kakaibang lakas ng pangangatawan.

Sa renewed partnership na ito at sa paglulunsad ng Live For More campaign, magkasama ang Santé at si Kuya Kim sa pag-inspire ng mga tao sa buong mundo na mamuhay ng mas malusog at mas kaiga-iyang buhay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …