Thursday , August 21 2025
Paolo Paraiso Richard Somes Topakk

Paolo Paraiso proud na nakasama sa Topakk 

MATABIL
ni John Fontanilla

SIYANG-SIYA si Paolo Paraiso na napasama sa pelikulang Topakk na entry ng Nathan Studios sa Ika- 50 anibersaryo ng Metro Manila Film Festival at pinagbibidahan nina Arjo Atayde, Julia Montes, Sid Lucero, at Enchong Dee at idinirehe ni Richard Somes.

Tsika ni Paolo, “Masuwerte ako at napasama ako sa ‘Topakk’ dahil napakaganda ng pelikula, mabait at maasikaso ang producer namin at mahuhusay ang mga artistang kasama at maganda ang pagkakagawa ni direk (Richard) sa movie.”

Dagdag pa nito, “Itong ‘Topakk’ lahat kami magkakaibigan, nakita n’yo sa stage pa lang iba ‘yung bonding namin, dahil simula pa lang magkakaibigan na kami. Tapos mas lalo kaming naging close sa pelikulang ito.”

Nagpapasalamat si Paolo kay direk Richard dahil ito ang unang naniwala na kaya niyang mag kontrabida.

“Si Direk Richard ang unang nagbigay sa akin ng kontrabida role.

“Siya ‘yung nagsabi sa akin na hindi…. kaya mo ‘yan! Kilala kita, kaya mo ‘yan. Kaya I’m thankfull with direk Richard dahil isa ako lagi sa kontrabida na kinukuha niya. Kaya nagpapasalamat talaga ako ka’y direk Richard.” 

Mapapanood ang Topakk sa Dec 25 sa mga sinehan nationwide.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Belle Mariano Carlo Katigbak Mark Lopez Cory Vidanes Rick Tan Laurenti Dyogi Edith Fariñas

Belle Mariano naiyak matapos pumirma ng kontrata sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PUMIRMA sa kauna-unahang pagkakataon ng kontrata kahapon si Belle Mariano sa …

BINI nagsampa ng kaso

BINI nagsampa ng kaso; P1-M danyos sa bawat miyembro

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PORMAL nang nagsampa ng reklamo ang BINIlaban sa hindi pa pinangalanang …

Vince Maristela

Vince naging inspirasyon kuwento ng buhay ng mga housemate

RATED Rni Rommel Gonzales ISA sa mga dating housemates sa Bahay Ni Kuya sa nakaraang …

Josh Ford

Josh naiiyak ‘di kayang panoorin journey sa PBB

RATED Rni Rommel Gonzales MARAMING memories si Josh Ford sa loob ng PBB house noong …

Michael Sager

Michael Sager natuwa sa solidong samahan sa PBB collab

RATED Rni Rommel Gonzales NOMINASYON ang nais kalimutan ni Michael Sager at ang Tower of …