MATABIL
ni John Fontanilla
DREAM come true para sa It’s Showtime host na si Anne Curtis ang pagkakaroon ng sariling wax figure sa Madame Tussauds Hong Kong.
Sa launch nga ng kanyang wax figure ay hindi maitago ni Anne ang sobra-sobrang kasiyahan dahil “dream come true” para sa kanya na mapabilang sa mga personalidad na mayroong figure sa makasaysayang wax museum.
Kaya naman sa pagkakaroon ng wax figure sa Madame Tussauds Hong Kong ay kahanay na nito ang ilang Pinoy celebrities na mayroong din niyo tulad nina Miss Universe 2018 Catriona Gray, International Star Lea Salonga, 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach, at Boxing Champ Manny Pacquiao.