Thursday , June 4 2026
Mujigae

Mujigae tagumpay sa mala-Korean feel movie

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SPEAKING of Mujigae, tama ang tinuran at kuwento ni Alexa Ilacad kay KD Estrada na nakau-ubos ng energy ang pelikula nila na handog ng UxS (Unitel x Straightshooters) dahil ito ang pinaka-emosyonal na pelikulang nagawa ng aktres.

Bukod sa emosyonal, first time ring gumanap si Alexa ng may ‘anak’ dahil siya ang nag-aruga sa pamangking si Mujigae (Ryrie Sophia) na maagang naulila sa pagkawala ng inang maysakit at kapatid ni Alexa.

Effective ang pagkaka-arte ni Alexa bilang masungit na tiyahin na parang pasan-pasan ang mundo dahil sa mga kaganapan sa buhay simula pa noong bata siya. Maayos itong naipakita sa pelikula at maayos ang pagkakalatag ng istorya.

Magaling ding umarte si Kim Ji Soo na pabayang ama ng batang si Ryrie. Maging si Ryrie na first time umarte ay magaling din at tama ang sinabi ng kanyang co-actors at direktor, magaling ngang magsalita ng Korea ang batang ito na aakalaim mong tumira at taga-Korea siya.

Hindi rin naman nagpatalbog si Rufa Mae Quinto na bagamat maigsi lamang ang role at special participation lamang, markado naman ang role bilang kapitanang mali-mali. Sa totoo lang, nakatatawa pa rin siya.

Mahusay na naidirehe ni Randolph Longjas ang pelikula at maganda ang pagkakasulat ng kuwento ni Mark Raywin Tome. Para ngang nanonood ka ng Korean movie hindi dahil sa Korea ito ginawa at nagko-Korean ang batang bida, at inang si Anna Luna, may bidang Korean actor, kundi kitang-kita iyon sa tema, style etc.. Sa totoo lang pwedeng ihilera ito sa pelikulang How To Make Millions Before Grandma Dies na ukol sa pamilya ang istorya at makabagbag-damdamin ang mga tagpo.

Bagamat medyo mahaba, inirerekomenda namin ang panonood nito dahil tiyak na maraming mapupulot na aral ang sinumang manonood. ‘Wag lang kalimutang magdala ng panyo o tissue. Palabas na ito ngayon sa 

SM Cinemas, kaya watch na.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …