Friday , September 27 2024
James Infiesto Eugene Torre Alan R Dujali
PARA sa posterity, magkakasamang nagpakuha ng larawan sina International Arbiter James Infiesto, Asia’s 1st Grandmaster Eugene Torre, at Cong. Alan R. Dujali (Larawan mula kay National Arbiter Darwin Bermudez)

GM Torre mangunguna sa pagbubukas ng 4th Cong. Alan R. Dujali Nat’l Chess Open

Panabo City, Davao del Norte — Ang unang Grandmaster ng Asia na si Eugene Torre, ang magiging panauhing pandangal sa pagbubukas ng 4th Cong. Alan R. Dujali Nat’l Chess Open Rapid Chess Tournament sa Payag Grill & Folk House, Ma. Claria Resorts compound, Panabo City ngayong Sabado, 28 Setyembre 2024.

Ang dalawang-araw na event (Sabado at Linggo) na nag-aalok ng kabuuang P700,000 premyong cash ay nagtatampok ng team, individual open, youth (18, 16, 14 at 10 years old and below) divisions.

Ang mga nagparehistro ng kanilang mga koponan ay sina GM Darwin Laylo; National Masters Henry Roger Lopez, Glennen Artuz, Keith Adriane Ilar, at Giovanni Mejia.

Kabilang sa mga entry sa youth division sina Beatrice Aton, Aaron Aton, Jerome Pullos, Jared Roann Marayag, at Lorraine Faye Segarra.

Binigyang-diin ni International Arbiter James Infiesto, ang tournament Chief Arbiter, ang pangangailangang isulong ang chess lalo sa hanay ng mga kabataan ay makatutulong habang pinadadali ang pagpapaunlad ng kakayahan at kompiyansa ng mga manlalaro.

“Bahagi ng pagbibigay ng suporta sa ating mga atleta ay ang pagbibigay sa kanila ng pagkakataong makita ang mga taong nagbibigay inspirasyon sa kanila,” sabi ni Infiesto na ang mga kalahok ay may pagkakataong makadaupang palad si Torre.

Si Torre ang una sa Asia na nakakuha ng titulong GM noong 1974.

Naglaro siya para sa Philippine Olympiad team ng 23 beses, nanalo ng tatlong indibiduwal na medalya sa board one: silver sa Nice (1974) at bronze medals sa Malta (1980) at Dubai (1986).

Noong 2021, napabilang si Torre sa World Chess Hall of Fame.

Sa isang torneo sa Maynila noong 1976, si Torre lang noon ang nakatalo sa dating naghaharing World Champion na si Anatoly Karpov sa isang laro na naging bahagi ng kasaysayan ng chess ng Filipino.

Noong 1982 nakakuha siya ng puwesto sa World Chess Championship candidates matches, kung kailan natalo siya kay Zoltán Ribli. Nagsilbi siya bilang pangalawa ni Bobby Fischer noong 1992 laban kay Boris Spassky sa Yugoslavia.

Kasalukuyan siyang naglalaro para sa Rizal Towers ng Professional Chess Association of the Philippines.

Ang kompetisyon ay bahagi ng grass roots chess development program ng lungsod at inorganisa ni Tournament director National Arbiter Darwin Bermudez sa pakikipagtulungan ni Cong. Alan R. Dujali. (MARLON BERNARDINO)

About Marlon Bernardino

Check Also

Shakeys Super League Collegiate Pre-season Championship inilunsad

Shakey’s Super League Collegiate Pre-season Championship inilunsad

PORMAL na inilunsad ang ikatlong edisyon ng Shakey’s Super League (SSL) Collegiate Pre-season Championship sa ginanap …

Mario Mangubat Chito Garma Efren Bagamasbad Marlon Bernardino

GM title sa Portugal target ng 3 senior chess masters

HINDI pa huli ang lahat para sa tatlong Pinoy senior chess players para sa katuparan …

Small Basketeers Philippines (SBP) - Passerelle twin tournament muling inilunsad

Small Basketeers Philippines (SBP) – Passerelle twin tournament muling inilunsad

ANG Small Basketeers Philippines (SBP) – Passerelle twin tournament ay nagbabalik matapos ang apat na …

Patricia Santor Swimming

Santor tatlong ginto sa “Go Full Speedo’ Swim Series Long Course Swimming Meet leg 1

NANGIBABAW ang pambato ng Betta Caloocan Swim Team na si Aishel Evangelista sa dalawa pang …

Chelsea Anne Galamgam Anne Bernadette AB Bonita

PH Memory Team target ang GM title sa Asian tilt

HINDI lamang medalya bagkus ang ika-anim na Grandmaster title para sa Pinoy ang target ng …