Thursday , June 4 2026
AJ Raval

AJ Raval iginiit ‘di totoong iiwan ang showbiz, aarte pa rin pero ‘di na magpapa-sexy

MA at PA
ni Rommel Placente

SA advocacy series na WPS (West Philippine Sea) ay magkakasama ang magkarelasyong sina Aljur Abrenica  AJ Raval, at Jeric Raval.

Sa zoom mediacon ng WPS, sinabi ni AJ na hindi na siya magpapa-sexy sa pelikula. Gusto niyang gumawa ng mga wholesome role, kaya tinanggap niya ang WPS. At happy siya na makakatrabaho ang ama dahil noon pa ay dream niyang makasama ito sa isang proyekto.

Since nandito po ‘yung tatay ko (sa WPS), mas magiging comfortable po ako and I feel safe.

“Matagal na pong artista ang tatay ko at gumagawa na rin naman po siya ng mga advocay films,” sabi ni AJ.

Sa tanong kay AJ  kung bakit nagdesisyon siyang balikan ang pag-arte, to think na sinabi niya umano rati na iiwan niya na ang showbiz, sagot niya, hindi niya sinabi na tatalikuran ang showbiz. Kung nawala man siya pansamantala sa limeligt, ‘yun ay dahil nagtapos siya ng pag-aaral, at mas itinuon niya ang pansin sa mas makabuluhang bagay.

Kinuha naman ang reaksiyon ni Aljur sa naging desisyon ni AJ na tigil na sa pagpapa-sexy.

Tuwing magkasama kami, nababanggit niya ‘yun sa pamilya niya. Naging masaya ako sa naging desisyon niya.

“Ako naman, lagi akong nakasuporta sa mga kaibigan ko, sa mga taong mahal ko, kung anong gusto nilang gawin.

“Well, I’m happy and proud of her. Kasi hindi siya ganoon kadaling..parang ano siya, next step sa gusto niyang gawin,” ani Aljur na nabuking naming tawag kay AJ ay Mahal.

Ang producer ng WPS ay ang KSMBPI Film Division Production ni Doc Mike Aragon. 

Aniya, walang talent fee ang lahat ng mga kinuha niyang artista sa kanyang advocacy series na mapapanood sa mga streaming platform. “Ang mga talent na ‘to, hindi ko binabayaran ang TF (talent fee) ha. Libre ito.

“Even Viva is not getting any manager’s commission. Tulong ito. Ang naibibigay lang namin ay honorarium for food, transportation, and basic expenses.

“The people here in front of you are real heroes, bayani sila. Maraming mga artista, gumagawa ng projects pero unang tanong, ‘Magkano TF ko riyan?’ Ito, wala. Nang sinabi ko sa kanila na ito ang problema, naintindihan nila. And they’re here in front of me,” sabi ni Doc Mike.

Bukod kina AJ, Aljur, at Jeric, kasama rin sa WPS sina Ali Forbes, Rannie Raymundo, Lance Raymundo, Massimo Scofield, at Ayanna Misola.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …