Sunday , December 22 2024
Drug den sa Bulacan sinalakay ng PDEA maintainer, 2 pa timbog

Drug den sa Bulacan sinalakay ng PDEA maintainer, 2 pa timbog

ARESTADO ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang drug den operator at dalawa niyang galamay sa isinagawang drug bust operation sa Road 1, Brgy. Minuyan 3, lungsod ng San Jose del Monte, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 15 Setyembre.

Kinilala ng PDEA Bulacan Provincial Office ang operator ng drug den na si Rudy Aguilar, 42 anyos; at kaniyang mga kasabwat na sina Jose Paulo Maesa, 34 anyos, residente sa Defense Village, Brgy. Minuyan 4; at Arnel Radan, 46 anyos, residente sa Brgy. Minuyan 2, pawang sa nabanggit na lungsod.

Nasamsam sa operasyon ang apat na sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 15 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P102,000; iba’t ibang drug paraphernalia, at ang buybust money.

Magkatuwang na isinagawa ang operasyon ng mga operatiba ng PDEA Bulacan Provincial Office, PDEA RO III Special Enforcement Team, at San Jose Del Monte CPS.

Kasalukuyang nakadetine sa custodial facility ng San Jose del Monte CPS ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …