Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Private Tutor Ang Kapitbahay Vivamax

Private Tutor ni Kapitbahay magpapa-init ngayong tag-ulan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MAULAN man, patuloy pa ring maghahatid ng mga pelikulang magpapainit ang Vivamax. Sa pagtatapos ng Agosto, abangan ang dalawa pang pinakabagong sexy movie.

Panoorin ang isang binata na magkaroon ng kababaliwan at kakaakitan sa pagdating ng pinakabago niyang kapitbahay. Ang Kapitbahay, streaming exclusively sa Vivamax sa August 23, 2024.

Idinirehe ni Rodante Y. Pajemna Jr., bibida sa Ang Kapitbahay sina Christine Bermas, Clifford Pusing, at Chester Grecia. Ang pelikula ay tungkol kay Alex (Clifford Pusing), isang binatang mahuhulog sa ganda ng dalagang si Rose (Christine Bermas), bagong lipat na kapitbahay.

Sa pagtatagpo nilang dalawa, agad nilang ipararating ang pagkaakit at pagnanasa sa isa’t isa, at ipararanas ni Rose kay Alex ang una niyang sexual encounter.

Matapos ang ilang beses nilang pagkikita at pagnanakaw ng mga mapusok na sandali, malalaman ni Alex na si Rose pala ay may karelasyong sadista at mapanakit na General (Chester Grecia). Dito na hihingan ng pabor ni Rose si Alex na tulungan siya nitong linlangin ang general at nakawan ng pera, pagkatapos ay tatakas sila at mamumuhay na magkasama.  

Ikatutuwa at sasang-ayon naman si Alex sa plano at tutulungan nito si Rose na makalaya mula sa general.

Isa pang dapat abangan na Vivamax Original Movie ay ang Private Tutor Ready ka na ba sa one-one-one tutoring na tiyak hindi mo malilimutan? Si Zsara Laxamana ang iyong Private Tutor na mapapanood sa August 27, 2024 sa Vivamax.

Ang Private Tutor ay ang pinakabagong erotic–drama Vivamax Original Movie tungkol sa isang struggling teacher na matatakasan ang mga problema at may matutuklasang bago sa kanyang pagkatao nang maging private tutor ng isang sexually curious na estudyante.  

Kilalanin si Joy (Zsara Laxamana), isang public school teacher na doble kayod sa pagtatrabaho para masuportahan ang sarili at ang kanyang pamilya. Kasintahan naman niya ang mekaniko na si Vigo (VJ Vera). Para mas magkaroon ng pagkakakitaan, nagpasya si Joy na magpart-time bilang private tutor at nag-sign up sa isang tutoring app. Maha-hire siya bilang tutor ng senior high student na si Erica (Christy Imperial).

Magsisimulang turuan ni Joy si Erica, at hindi inaasahan na magkakasundo ang dalawa at magiging malapit sa isa’t isa. Makikilala rin ni Joy ang tatay ni Erica na si Gordon (Mark Dionisio) isang mayaman at biyudong businessman.

Sa pagpapatuloy ng kanilang private lessons, si Erica, na kilalang bukas sa pag-e-explore ng kanyang sexuality, ay hindi mapipigilan ang sarili na magustuhan at akitin ang kanyang tutor, na ikakaila naman ni Joy sa una. Maging si Gordon ay magpapakita ng interes sa kanya, pero ito rin ay tatanggihan ni Joy.

Isang hindi pagkakaunawaan ang mangyayari kina Joy at Vigo, na magiging dahilan para magrebelde si Joy sa kasintahan at pumayag na pagbigyan ang pagnanasa ni Gordon sa kanya. ‘Di kalaunan, makikita na lang din ni Joy ang sarili na pumapayag at bumibigay sa pang-aakit ni Erica.

Idinirehe ni Ryan Evangelista, mapapanood sa Private Tutor ang mga bagong bida ng Vivamax na sina Zsara Laxamana at Christy Imperial, kasama pa sina Mark Dionisio at Vj Vera.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …