SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
HANDA at gusto ng December Avenue na muling maghandog ng awitin para magamit sa pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, ang Hello, Love Again na kasalukuyang nagsu-shoot ngayon sa Canada.
Sa Sa Ilalim ng mga Bituin presscon ng December Avenue kahapon ng hapon sa Okada Manila (ang official residence ng December Avenue para sa kanilang August 30, 2024 concert) sinabi ng grupo na hindi nila inaasahan na makagagawa ng kanta para sa KathDen.
Ang awiting Kung Hindi Lang Din Ikaw na theme song sa Hello, Love, Goodbye ang unang kantang ginawa ng December Avenue. Ang December Avenue ay binubuo nina Zel Bautista (vocalist and acoustic guitar), Jem Manuel (lead guitar), Don Gregorio (bass guitar), Jet Danao (drummer), at Gelo Cruz (keyboards).
Anila, si Direk Cathy Garcia Sampana mismo ang nag-request sa kanila na gumawa ng kanta para sa pelikula ng KathDen.
At ngayong muling magsasama sa pelikula ang KathDen may awitin silang tiyak na babagay sa Hello, Love, Again, ang Paraya na ginawa nila at unang maririnig sa kanilang concert, ang Sa Ilalim ng mga Bituin sa Agosto 30, 2024 na gagawin sa MOA Arena.
“The title speaks for itself, hindi siya talaga related sa ‘Hello, Love, Again.’ And we didn’t expect na we’re asked to do a song para sa ‘Hello Love, Again.’ Si direk Cathy ang nag-reach out sa amin before. So, kung nag-reach out siya uli, magiging happy kami katulad before,” sabi ng December Avenue.
“‘Yung sa title ng ‘Paraya’ ‘yun na ‘yun eh. Nangyari talaga siya, sa sobrang…part of moving on. Nasulat ko siya tapos na lahat ng paghihirap, tapos na ang sakit. Hindi ko siya masulat during eh. So nang matapos na ang lahat dito ka, doon ka.
“Simple lang, the song is all about letting go of someone na sobrang mahal mo. At dahil sa sobrang pagmamahal mo sabi nga nila kung talagang mahal mo ang isang tao kung saan siya masaya, roon tayo pupunta,” sabi pa.
Ang release ng Paraya ay sa midnight ng December 31.
Sa kabilang banda, napag-alaman naming simula nang i-release ng NY Entourage Productions ang tickets para sa August 30 baka-65 percent na benta agas ito in just two hours, ang bongga.
Ngayon ay sold out na ang tickets kaya naisipan ng producer nilang si Nancy Yang ng NY Entourage Productions na magbukas SRO section. May upuan pa rin naman daw ito.
Kaya sa mga naubusan ng tickets, may chance pa kayo na makabili.
Ang Sa Ilalim ng mga Bituin concert ay ididirehe ni Paolo Valenciano, musical director since Nikko Rivera at makakasama ng December Avenue ang City Lights Symphony Orchestra.