Friday , November 22 2024
Angeli Khang Rob Guinto Roman Perez, Jr

Angeli, Rob Reyna ng mga Kyomboy

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAKATITIYAK kaming pagpipiyestahan hindi lang ng mga kalalakihan kundi ng mga tomboy sina Angeli Khang at Rob Guinto dahil sa pelikula nilang Unang Tikim na ipalalabas sa mga sinehan sa Agosto 7, 2024 handog ng Vivamax.

Ang Unang Tikim ang pelikula ng Vivamax na ipalalabas sa mga sinehan (SM—R16; Gateway—R18) kaya natanong namin ang saloobin ng mga bida rito matapos ang advance screening nito noong Biyernes sa Fishermall VIP Cinema.

Pressured. Nakakakaba,” pag-amin ni Angeli.

Hindi namin inaasahan (na ipalalabas sa mga sinehan at hindi sa online platform). Thank you so much Vivamax for giving us a chance and for giving us the opportunity na maipakita namin ang craft namin as an artist.

We’ve given our 110 best and sana masuportahan kami ng mga tao na manood sa mga sinehan,” pag-anyaya ni Angeli.

Maraming-maraming salamat Viva, sa pagbibigay sa amin ng pagkakataon na maipakita namin na hindi lang pagpapa-sexy ang kaya naming gawin kundi mayroon din kaming ilalabang arte,” sabi naman ni Rob.

At totoo ang tinuran nina Angeli at Rob dahil nagulat kami na talagang todo-arte ang ipinakita nila rito lalo’t ang istorya ay ukol sa dalawang babaeng nagka-inlaban na nagdamayan at sinubok ng pagkakataon kung hanggang saan ang pagmamahal sa isa’t isa.

Aware sina Angeli at Rob na ipalalabas sa sinehan ang Unang Tikim bago pa man nila i-shoot ito.

Kaya noong nalaman ko na cinema tapos kami ang napili, nag-message agad ako kay Rob sabi ko, ‘Be magkaka-movie na tayo.’ Closest friend ko po kasi si Rob,” wika ni Angeli.

Pangarap po talaga namin ito,” sambit ni Rob. “And makagawa kami ng movie together kaya thank you Lord, thank you Viva sa pagtupad ng pangarap naming magkaibigan,” dagdag pa.

At dahil magkaibigan, lumabas ang magandang chemistry ng dalawa sa pelikula. Bagay na bagay at walang ilangan sa maseselang eksena.

Maybe,” natatawang sabi ng dalawa at aminadong wala talagang ilangan.

Since close na close kaming dalawa, hindi namin naisip na magki-kiss kami, may bed scene kami, kaya at first ganoon kami hanggang sa dulo. Kaya kapag sinabi ni direk Roman na ready na, ready na agad kami,” paglalahad pa ni Angeli.

At dahil GL movie ang Unang Tikim natanong ang dalawa sa pagkakaiba nito sa mga nagawa na nila.

Kami alam namin ang limitations namin lalo na girl. Alam namin kung ano ang pwede hawakan, bawal hawakan compare sa lalaki na medyo ilang kasi nga ibang gender. Compare sa parehas kaming babae alam namin kung ano ang limitations namin,” esplika ni Rob na first time nakagawa ng GL movie katulad ni Angeli.

Sinabi rin ni Rob na “unforgetable” niyang maituturing ang experience sa paggawa ng GL movie.


Ipalalabas sa mga SM Cinema

Aminado rin ang direktor ng Unang Tikim na si Roman Perez, Jr., na sobrang laking pressure sa kanya na gawin ang pelikula.

Nakakangiti lang ako ngayon. Pero grabe ‘yung pressure na parang, ‘bakit kami ang nauna?

Ang sabi nga sa akin, ‘kapag nauna ka, gagayahin ka na ng iba, networks, film prod.’ Kaya mabuti na lang nauna ang Vivamax sa pagpapalabas sa cinema. Naisip na ito ni Boss Vic del Rosario at pinag-uusapan na namin ito.

“Idea ni Boss Vic na ibalik ang erotika genre kasi nga artistically done naman ito,” esplika ng direktor.

Ipalalabas sila sa mga SM cinema—R16. “Ibang cut iyon at sa ibang cinema na R18 non-SM malls, ibang cut,” ani direk Roman.

Sinabi pa ni direk Roman na nahirapan silang kombinsehin ang SM para maipalabas ang kanilang pelikula 

Sobrang hirap. Parang 10 decades huling nagpalabas ng sexy film. Namatay ang genre at ngayon nabuhay uli na para maibalik. Feeling ko nangangailangan kaya pinayagan na uli. 

“Mahirap ang process pero sinunod namin, bagamat wala namang bilang and nag-compromise naman ang Viva sa lahat ng requirements,” sabi pa ng direktor.

Sinabi rin ni direk Roman na naninigas siya sa itaas ng sinehan habang pinanonood sa big screen ang kanyang pelikula.

First time ko to watch sa big screen, ngayon ko lang nakita. Maganda, iba ang pakiramdam tapos nakakakita ako ng ibang experience ng ibang tao habang nanonood, naririnig ko sila,” sabi pa ni Roman bagamat hindi ito ang unang pelikula niya na R16 na ipalalabas sa sinehan. Ang una niya ay ang Adan ni Cindy Miranda.

Idinagdag pa ni direk Roman na mismong si Boss Vic ang pumili kina Angeli at Rob para magbida sa Unang Tikim.

Destiny nila ito. Sila ‘yung best for the role and choice ko rin talaga silang dalawa.

“Pati si Matt Francisco(gaganao na asawa ni Angeli) choice ko dahil bagay kay Angeli at nakakaarte rin, bagay sa karakter niya.”

Inihayag pa ni direk Roman na kinarir talaga niya ang Unang Tikim kaya hindi kami nagtaka na maganda ang pagkakalatag ng istorya, cinematography gayundin ang arte ng mga bida.

Sa huli sinabi pa ni direk Roman na na-excite siya na makatrabaho pareho sina Angeli at Rob at naniniwala siyang sa pelikulang ito tiyak na mababansagang Reyna ng mga Kyomboy ang dalawa.

Dahil bubusugin ang inyong mata sa Unang Tikim, ang unang Vivamax movie na ipalalabas sa mga sinehan ngayong Agosto. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …