Thursday , June 4 2026

P10-M bonus ng SSS officials garapal!

TALAGA naman nakapanggigigil at nakatataas ng presyon ng dugo ang balitang tumanggap ng mahigit tig-P1 milyon ang mga kasapi ng Board ng Social Security System (SSS) noong isang taon. Aba! E nakapakasaya pala ng PASKO at BAGONG TAON  ng mga pinagpalang nilalang na ‘yan, ha.

Mantakin ba naman ninyo, mga kanayon, habang libo-libong miyembro ng SSS ang nagkandamatay-matay na sa hirap magfollow-up ng LOAN at BENEFITS diyan sa lintek na ahensiyang ‘yan ‘e sa isang iglap pala ay nakatatanggap sila ng napakalaking BONUS!? Ano sila? Mga anak ng Diyos? Baka kidlatan po kayo, mga GINOO at GINANG sa SSS Board ha. Kaya pala hindi kayo nabo-BORED diyan. Napakalaking biyaya pala talaga ng malakas (kayo) sa ITAAS. Hindi po sa itaas ng LANGIT dahil mala-impyerno ang katarantaduhan na ‘yan kundi sa ITAAS ng PALASYO.

Ngapala, congratulations sa dati kong pahayagan na MANILA STANDARD TODAY sa paglalabas ng kagaguhang ito ng SSS.

Ang masaklap dito, buong kapalmuks pang ipinagmalaki ni MR. EMILIO DE QUIROS, JR., na wala naman daw IMORAL at LEGAL naman daw ang ginawa nila dahil malaki raw ang kinita ng ahensiya noong isang taon. Aba e, teka po, hindi naman yata PRIVATE CORPORATION ‘yan na pwede ninyong paghati-hatian ang DIBIDENDO? Ano ‘yan? Pag-aari ninyo ang SSS? Hello!

Sa pagkakaintindi ko, ang SSS ay binuo mula sa bunga ng pawis, pagod at hirap ng bawat maliliit na miyembro nito. Hindi dahil sa malalaking stockbroker na gaya ng inaakala ninyong KAYO!

Kung kumita man ang SSS, hindi ba’t mas nararapat lamang na bumalik ang biyaya sa lahat ng kasapi? Ang kakapal at napakagarapal naman ng mga opisyal na ‘yan para paghati-hatian ang BONUS na P10 milyon!

Madapaka! Sanamagan!

‘Yan po ang tinatawag na RATIONALIZATION OF CORRUPTION. Tikom ang bibig at pikit mata ang paggawa ng ganyang IMORALIDAD dahil sa kanilang pag-iisip, LAHAT NAMAN SILA AY GUMAGAWA NG GANON.

Ang tumataginting na ISANG MILYONG PISONG bonus ng mga opisyal ng SSS ay isa sa pinakakarumal-dumal na kasalanan sa maliliit na manggagawang nagkukumahog magbayad ng kanilang share. Ito ay isang KAWALANGHIYAAN sa mga namatay na SSS members na hanggang ngayon ay hindi makakubra ng death benefits ang mga pamilya.

Ito po ang ilan sa mga komentong natanggap ko sa aking Facebook page:

Mula kay Ma’am Engke Blancaflor ng Angono, Rizal: “Sana’y pumunta ‘yang mga Boards na ‘yan d2 sa Antipolo branch para makita nila ang siksikang kalagayan ng members do’n. Grabe ang toilet ha, it really stinks. ‘Yung iba as early as 5am pumipila na. Dapat maglagay ng branch sa Morong or Tanay.”

Mula naman kay Kapitana Isabelita Talens ng Cabiao, Nueva Ecija: “Tama ka d’yan Joel, my husband died last Oct. 25, I filed all papers last Feb. 25, until now I’m still waiting for death claim, member ang Mr., ko ng SSS 28 yrs.”

MR. DE QUIROS, JR., NASAAN ANG HUSTISYA RITO?

Joel M. Sy Egco

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …