Sunday , May 5 2024

Sinalaula nating kultura ang ugat ng korupsyon sa poder

BAGAMAT naniniwala ako na ang korupsyon ay sintomas lamang ng cancer ng ating lipunan, sang-ayon ako na ang pagtugon dito ay nakakabawas sa perhuwisyo na dulot nito sa bayan. Gayon man hindi nito malulutas ang sistemikong kabulukan ng ating lipunan.

Ang ugat ng korupsyon ay nasa ating sinalaulang kultura. Dangan kasi wala tayong nagisnan bilang lipi kundi kahirapa’t pang-aalipin. Pinalaki tayong mga alila ng ating mga kolonisador kaya ang ganitong mentalidad, na kadalasan ay nagkukubli sa ating pagiging mapagbigay at mapagbigay-pugay, ay nakabaon sa ating wisyo.

Dahil sa sobrang hirap na ipinatikim sa atin ng mga kolonisador na Kastila, Amerikano at Hapones ay parang naging karapatan na natin ang bawat probetcho o ginhawa na ating mahahagilap sa araw-araw nating gawain. Ito rin ang mentalidad ng higit na nakararami kahit na sa panahon ngayon kaya hindi sila sumusunod sa mga kasalukuyang batas o alituntunin na nakikita bilang tatak ng pagka-alipin o simbolo ng awtoridad.

May hibo ng bulag na pagpoprotesta ang pagiging matigas ng ulo ng ating mga kababayan. May pakiramdam kasi tayo na lagi tayong nilalamangan at dahil sa ating kawalan ng lakas, bumabawi tayo sa pamamagitan ng paglabag sa mga alituntunin.  ‘Yan ‘yung ibig kong tawagin na “knee jerk protest of authority.”

Sa kaibuturan ng puso ng mga corrupt na pul-politiko ay hindi nila makitang mali ang pangungurakot. Sense of entitlement ang kanilang nararamdaman kaya para sa kanila unfair ang mga paratang at politically motivated lamang. Iyan din ang dahilan kaya nakatitingin sila nang derecho sa bayan.

Kapag namahagi ang mga pul-politiko ng kanilang kinurakot, may bahagi sa kanilang damdamin na nagsasabing sila’y bayani ng kanilang natulungan kaya walang karapatan ang mga kalaban na sila’y  husgahan bukod pa sa ginagawa rin ng kalaban ang kanilang ginagawang pangungurakot.

Iyan ang isa sa mga dahilan ng sirkulo ng kawalanghiyaan sa ating bayan.

* * *

Kung sino man ang nakaisip ng holdap este DAP (Disbursement Acceleration Program) ang masasabi ko lang ay: “Ang tindi mo Chong.”

Sa pangalan pa lamang na ang ibig sabihin sa Pilipino ay “Programang Magpapabilis ng Pamumudmod ng Panggastos” e kaduda-duda na kaya dapat lamang na kwestyonin ito sa Kataas-taasang Hukuman. Sa aking payak na pagkakaunawa bilang isang nagtapos ng kurso sa pagka-abogasya, ang DAP ay illegal.

Ayon sa Paragraph 5, Section 25, Article 6 ng ating Saligang Batas, hindi pwedeng galawin ng pangulo ang pera na hindi mula sa mga natipid na gastusin ng mga ahensya ng pamahalaan. Sa pagkakataong ito, sabi ni Sen. Miriam Defensor SAantiago, ang perang ginamit sa DAP ay hindi mula sa salaping natipid ng pamahalaan. Kung totoo ang alegasyon ng senadora ay malinaw na ang DAP ay katulad ng ordinaryong holdap na bawal sa batas.

* * *

Para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa mga isyu ng panahon ugaliing making sa podcastpilipinas.com/nelsonflores tuwing Huwebes alas nueve (9) hanggang alas diyes (10) ng gabi .

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa isang pribadong hot spring ay pumunta kayo sa Infinity Resort, Indigo Bay Subdivision, barangay Bagong Kalsada, Lungsod ng Calamba. Malapit lamang ito sa Metro Manila at mula rito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Kontakin ninyo si Gene Lorenzo sa [email protected] para sa karagdagang impormasyon.

Nelson Forte Flores

About hataw tabloid

Check Also

Sunshine Cruz Bench Body

Sunshine ayaw pag-usapan ang lovelife—I’d rather keep it private

MA at PAni Rommel Placente AS much as possible, ayaw na ni Sunshine Cruz na …

Angeli Khang Bea Alonzo Dominic Roque

Angeli natakot lumabas nang isangkot sa hiwalayang Dominic-Bea

I-FLEXni Jun Nardo UMALMA na ang sexy star na si Angeli Khang na isinasangkot sa hiwalayan nina Bea …

Rabiya Mateo Faith Da Silva

Faith Da Silva itinuturong dahilan ‘di pagka-renew contract sa GMA

I-FLEXni Jun Nardo ENDO o end of contract ang dahilan ng beauty queen na si Rabiya …

Blind Item, Gay For Pay Money

Pagbibigay ng awards sa entertainment easy money

HATAWANni Ed de Leon SA dami ng nagbibigay ng entertainment awards ngayon na hindi mo …

Dingdong Dantes Marian Rivera Alden Richards Kathryn Bernardo

Phenomenal Box Office at Box Office King and Queen may pagkakaiba ba?

HATAWANni Ed de Leon HINDI namin maintindihan kung ano ang kaibahan niyong Phenomenal Box office …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *