Sunday , May 5 2024

Pera ni Juan dela Cruz sa SSS, pinaghahatian na ba?

ONE million pesos bonus sa walong director (ba) ng Social Security System (SSS). Wow, ang agang pamasko. Pwede nang mag-shopping sina sir at madame sa Sabado o sa susunod na araw sa oras na mapasakamay na nila ang pera ng mga miyembro, ‘este pinagpaguran pala ng mga opisyal.

Ang bonus ay legal daw dahil gumanda ang kita ng SSS. Gano’n? Porke gumanda na, puwede nang magbulsa ang walong opisyal ng tig-isang milyon este, magka-bonus pala. Sorry ha mali pala.

Ngunit nararapat ba at napapanahon ba ang bonus?

Siyempre, ayon sa SSS (sa kanilang pagtatanggol ay hindi ito nakukuha sa panahon kundi legal ito at may pinagbasehan alituntunin ng SSS.

Ayos, sarap pala maging isa sa top brass ng SSS. One million pesoses …he … he … he ….

Sige ipagpalagay natin legal o may basehan ang isang milyong piso. Paano naman ang mga miyembro na siyang bumubuhay sa SSS sa pamamagitan ng paghuhulog ng kani-kanilang buwanang kontribusyon? Makatatanggap din ba ang lahat ng tig-isang milyong piso?

Ha…ha…ha… mangangamote o baka mamatay na nga sila (mga miyembro) ay hindi pa sila makatitikim ng P1 million mula sa SSS. Totoo iyan mga suki. Ibig sabihin, malabong makatanggap ng kahit pa tig-kalahating milyong piso hindi dadaplis sa kamay ng isang miyembro ng SSS.

Siguro, maaari pang taasan ng SSS ang pensyon para sa mga miyembro pero malamang hanggang singkong butas lang ang increase. Ibig sabihin, hanggang barya ang increase na matatanggap ng mga miyembro o pensioners.

Este, may increase nga ba para sa mga pensioners o miyembro? Ewan ko. Basta ang batid natin sa Enero na ipaiiral ang increase ng bayaran para sa kontribusyon.

Hindi pa man, hayun pinaghahatian na ang increase. He…he…he…mali uli, sorry po ha. Sa halip ay deserving daw ang mga makakukuha ng tig-P1 million bonus. Pinagpawisan daw nila ang pera o kontribusyon ng mga miyembro. I mean pinagpawisan nila ang panliligaw sa mga miyembro hanggang abroad para tumaas ang koleksyon sa kontribusyon. At iyon nga ay kanilang natupad kaya, tiba-tiba na naman sila sa bonus mula sa kontribusyon ng mga miyembro.

Ops, tama ba ako o mali? Mulang kontribusyon ba ang tig-P1 milyon? Ewan ko lang po. Pero kung hindi, sorry ha. Mali na naman siguro ako. Pero kung hindi mula sa kontribusyon ng bayan, saan manggagaling ang walong milyong piso? Mulang DAP o PDAF din ba ito? Ha … ha … ha …

***

Nananawagan naman tayo sa magagaling na konsehal sa Quezon City. Suhestiyon lang po ito. Marami na kasi tayong nakuhang reklamo laban sa maraming supermarket at bookstore sa lungsod na kulang magbigay ng sukli sa kanilang mga parokyano.

Oo barya lang ang kulang – P1.00; P0.50; P0.10 o singko pero kung pagsasamahin ang mga baryang ito, aba’y magkano rin ito?

Sana naman ay may konsehal na makaisa na gumawa ng ordinansa hinggil sa kulang na sukli dahil wala raw panukli ang mga establisyemento.

Ordinansa na iyong resibo na pirmahan ng representante ng establisyemento na kulang sila ng sukli (kahit piso lang ‘yan). Pirmahan na ang ibig sabihin ay pwedeng gamitin ng parokyano sa susunod na pagbili ang kanyang sukli basta’t ipakita lang ang resibo na may pirma.

‘Di po ba okey ito.

Maraming beses na rin akong biktima ng ganitong modus at madalas na pakikipagtalo. Walang buo ‘ika nga kung walang piso o singko.

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

Sunshine Cruz Bench Body

Sunshine ayaw pag-usapan ang lovelife—I’d rather keep it private

MA at PAni Rommel Placente AS much as possible, ayaw na ni Sunshine Cruz na …

Angeli Khang Bea Alonzo Dominic Roque

Angeli natakot lumabas nang isangkot sa hiwalayang Dominic-Bea

I-FLEXni Jun Nardo UMALMA na ang sexy star na si Angeli Khang na isinasangkot sa hiwalayan nina Bea …

Rabiya Mateo Faith Da Silva

Faith Da Silva itinuturong dahilan ‘di pagka-renew contract sa GMA

I-FLEXni Jun Nardo ENDO o end of contract ang dahilan ng beauty queen na si Rabiya …

Blind Item, Gay For Pay Money

Pagbibigay ng awards sa entertainment easy money

HATAWANni Ed de Leon SA dami ng nagbibigay ng entertainment awards ngayon na hindi mo …

Dingdong Dantes Marian Rivera Alden Richards Kathryn Bernardo

Phenomenal Box Office at Box Office King and Queen may pagkakaiba ba?

HATAWANni Ed de Leon HINDI namin maintindihan kung ano ang kaibahan niyong Phenomenal Box office …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *