Friday , May 24 2024

CSF, pasok sa vendors

Every right implies responsibility; Every opportunity, an obligation; Every possession a duty. – John D. Rockefeller

NAKUPO ano ba ito nangyayari ngayon sa Maynila. Totoo bang pati paghawak sa mga vendors ay pinakikialaman na rin ng mga taga-Civil Security Force (CSF)

What’s happening General!

***

HINDI ba’t ang trabaho ng CSF ay mangalaga ng seguridad sa lahat ng opisina ng Maynila?

Ang CSF ang “security guard” sa lahat ng opisina ng city hall, ospital at iba pang nasa ilalim ng Manila City Goverment.

Pero bakit pati vendors pinasok na rin nila?!

ANG kuwento kasi sa atin, inoobliga nang pamunuan ng CSF ang vendors lalo na rito sa Arroceros area (Bonifacio Shrine) na kumuha sa kanila ng I.D.

Halagang P50.00 ang I.D. na iisyu ng CSF, may tatak na logo pa ng CSF at may picture, kapag walang I.D. ang isang vendors na maglalatag ng kanilang paninda—————huli ka!

***

OOOPSS kailan pa nagkaroon ng awtorisasyon ang CSF na mag-isyu ng I.D. para sa vendors? Ang gawain ng CSF ay mangalaga ng seguridad at hindi upang pakialaman ang mga vendor.

Ang Hawkers at Market ang awtorisadong departamento sa city hall na mangasiwa sa mga vendor sa buong Lungsod. Alam ba ito ni ex-General Renato Miranda, ang hepe ng CSF?

Or it’s better to say, alam ba ito ni Presidente Erap?

EX-COL. MORALES NG CSF,

‘WAG KANG EPAL!

AT sino ba ang isang Morales na taga-CSF at nakipag-usap sa mga vendor sa Arroceros para mag-ayos ng I.D. At dito pa sa aking barangay gagawin ang pagkuha ng picture I.D.

Nagsabi pa raw ang Morales na ‘yan na wala na ang ating Brgy 659-A, kaya sila na ang bahala sa barangay hall?

***

FOR your info Morales, at upang  hindi ka maging ‘tanga,’ ang aking barangay ay nakatala pa sa rin sa listahan ng Comelec bilang “existing barangay” sa Maynila. Kaya hanggang wala pang itinatakdang referendum para sa mergingo pag-iisa sa katabing barangay ay nand’yan pa rin ang Barangay 659-A ng District 5.

Meaning legal at mayroon pa rin barangay 659-A as per Comelec and Local Goverment Code are concerned.

***

KAYA sana bago ka magdadaldal kung kani-kanino ay alamin mo mabuti ang tunay na istorya.

Hindi mo yata nalalaman ang mga pinagsasabi mo o talagang walang kang alam dito sa Maynila? Teka, taga Maynila ka ba ha Morales, o taga-San Juan?

Pwede ba ‘wag kang epal! Pweeee!

***

AYAW na sana natin magkomento ukol dito, ang kaso binabangit na ang ating barangay.

Hindi na tayo umimik nang kunin nila ang bahagi ng ating ipinatayong barangay hall. Maayos tayong nakisalamuha sa kanila, hindi na tayo nakialam sa panghihimasok sa ating barangay hall. Pero sana naman konting respeto lang!

Dahil mabuti naman tayong kaibigan, pero masama ako magalit!

***

DAPAT makarating kay Presidente Erap ang ganitong mga kabalbalan ginagawa ng CSF sa mga vendor. Umiiyak na sila dahil sa pagpasok ng kung sino-sino ahensiya sa kanilang hanay.

Nariyan ang DPS, Hawkers, grupo ni dating Konsehal Ric Ibay at ngayon ang mga taga CSF naman!

Bakit, may Yamashita treasure ba sa Arroceros?!

PRESIDENTE ERAP,

AKSYON PO!

MR. PRESIDENT Erap, inilalapit ko lang po ang mga daing at reklamo ng mga vendor na ipinadaraan sa inyong Lingkod upang malaman ninyo ang kanilang problema na halos katabi lamang ng inyong opisina.

Nitong Martes lamang ng gabi ay nagkagulo d’yan sa Bonifacio Shrine dahil sa pagpasok ng iba pang vendors mula sa Quiapo. Nagtayo sila ng mga tents na permanente at nais gawin tiange ang buong shrine ni Bonifacio.

***

ISANG alyas Joan na umano’y kawani ng CGSO at may pakana ng pagnanakaw ng koryente sa shirne ang nakakatanggap umano ng P20K bilang paunang bayad ng mga taga-Quiapo para sila ay makapaglatag ng paninda sa shrine.

Paki lang po Presidente Erap, pakialaman n’yo na po ang problemang ito, bago pa lumala ang gulo at pakikastigo na rin po ang mga ‘buang’ riyan sa CSF!

Kilos, Pangulong Erap!

Chairwoman Ligaya V. Santos

About hataw tabloid

Check Also

Jeannie Sandoval Malabon DBP

Para palakasin ang pabahay, kalusugan, infra projects at socio-economic dev’t
MAYOR JEANNIE SANDOVAL NAKIPAG-UGNAYAN SA DBP

UPANG mapabuti ang paghahatid ng mga serbisyo sa mga Malabueño, nakipagtulungan ang pamahalaang lungsod ng …

052324 Hataw Frontpage

14.97 % WACC nanatili mula 2010
MERALCO FRANCHISE RENEWAL IBASURAv — SOLON

INISA-ISA ni Sta. Rosa City Rep. Dan Fernandez ang mga dahilan para ibasura ang panukalang …

052324 Hataw Frontpage

Sa bantang pag-aresto ng China 
PH NAVY KASADO

NAKAHANDANG ipagtanggol ng Philippine Navy ang mga mangingisdang Pinoy kapag inaresto ng Chinese Navy sa …

shabu drug arrest

3 kelot arestado sa ilegal na droga

NAARESTO ang tatlong suspek sa isinagawang drug buybust operation ng Muntinlupa City Police Station Drug …

Ferry boat

Babala ng MMDA
ILOG-PASIG HINDI MADARAANAN NG FERRY BOATS

NAG-ABISO ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga pasahero ng Pasig River Ferry Service …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *