Thursday , June 4 2026
Arrest Caloocan

Wanted sa kasong Murder
MISTER HOYO SA KANKALOO

ARESTADO ang isang mister na wanted sa kaso ng pagpatay sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Caloocan City police chief P/Col. Ruben Lacuesta, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Police Sub-Station 8 hinggil sa pinagtataguang lugar ng 44-anyos wanted kaya nagsagawa sila ng validation.

Nang positibo ang report, agad nagsagawa ang mga tauhan ng SS8 ng manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na itinago sa pangalang Archie, dakong 10:15 pm sa Villa Campo, Gemini St., Brgy. 165 ng nasabing lungsod.

Binitbit ng pulisya ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Rose Sharon Santiago Cordero-Abila ng Regional Trial Court Branch 129, Caloocan City noong 18 Abril 2024, para sa kasong Murder.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa SS8 ng Caloocan police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …