MATABIL
ni John Fontanilla
NAPAKA-VOCAL ni Gelli De Belen sa pagsasabing humahanga siya kay Cong. Wilbert Lee na kasama niya sa pinakabagong public service show sa GMA 7, ang Si Manoy ang Ninong Ko na napapnood tuwing Linggo, 7:00 a.m..
Aminado si Gelli na noong una ay half-hearted siya na tanggapin ang programa.
“Noong una kasi, tinanong ko talaga kung bakit ako isinasama sa programa?
“Tinanong ko rin kung sino ang kasama at kung bakit may kasamang congressman?
“Pero noong nalaman ko na marami ang matutulungan, ayun na, I want to be part of the show.
“Noong nalaman ko na maganda ang advocacy ni Cong. Wilbert, game na ako.
“At habang tumatagal, habang nakikilala ko si Cong. Wilbert, eh napabilib niya ako dahil kitang-kita namin kung gaano kalambot ang puso niya sa mga taong nangangailangan ng tulong.
“Most of the time, out of his pocket ang inilalabas niya para lang makapagbigay at makapamahagi ng tulong sa mga taong lumalapit sa kanya at sa programa,” mahabang paliwanag ni Gelli.
Kakaiba raw ang Si Manoy ang Ninong Ko sa mga naunang hosting show ni Gelli like SIS at Face to Face.
“Medyo serious ako rito this time, malayong- malayo sa ‘SIS’ at ‘Face to Face.’”
Dagdag pa nito, “Iba’t ibang problema kasi ang idinudulog sa ‘Si Manoy Ang Ninong Ko’ and may mga expert din kami na nag-aayos pagdating sa pagtulong sa mga tao.”
Makakasama nina Gelli at Cong. Wilbert sina Sherilyn Reyes-Tan at Patricia Tumulak.