Sunday , May 12 2024
Mutya Orquia Beaver Magtalas

Mutya excited sa pagsasama nila ni Beaver

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MASAYANG-MASAYA si Mutya Orquia sa pagkakasama sa  When Magic Hurts, katambal si Beaver Magtalas at idinirehe ni Gabby Ramos.

Unang pelikula ito ni Mutya at natutuwa siyang pinagkatiwalaan ng RemsFilms Production para gampanan ang isang napkagandang at malaking role.

Siya si Grace “Olivia” Melchor, isang masiyahin at sobrang magmahal sa mga magulang.

Kaaawaan, kaiinisan, katutuwaan,” paglalarawan ni Mutya sa kanyang karakter.“Hindi pa natin sure how Olivia will be accepted by moviegoers. I just want to thank Direk Gabby for giving me that role.

It’s my first time working with Beaver and Maxine [Trinidad] in a movie.

Actually, I am not expecting anything sa pagpunta namin sa Baguio and Benguet, where we will shoot.

“Nasa utak ko po ngayon, super excited talaga ako to film my first movie. Super excited ako after I read the script and when we were having a meeting with Direk Gabby.

“Direk always communicated with us. He was very open to the suggestions of the artists. Kaya alam kong magiging magaan at light ang shoot namin.”

Sinabi rin ni Mutya na excited siyang makatrabaho for the first time si Beaver dahil matagal na niyang kaibigan ito.

Matagal na kaming friends ni Beaver,” anito.

At naibahagi niyang gustong tularan si Sylvia Sanchez na nakatrabaho niya sa Pamilya Ko.

Every time nakikita ko si Nanay Sylvia na umaarte, parang napaka-natural ng character sa kanya.

She really embraces the character. Nagiging natural sa kanya ang role. Gusto ko siya talagang tularan,” sabi pa ng dalaga.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Boobay Aparri Cagayan

Boobay muling inatake habang nagso-show sa Aparri

MULI na namang ikinabahala ng mga nagmamahal kay Boobay ang naging eksena nito sa isang show sa …

Liza Soberano

Liza may pa-sulyap sa kaseksihan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI na naman ikinagulat ng lahat ang mga naglabasang fotos ni Liza …

Bato dela Rosa Jonathan Morales Maricel Soriano

Maricel matapang na sinagot, hinarap mga tanong sa Senado

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NASOPLA na kung nasopla ni Diamond Star Maricel Soriano ang Senate investigation kaugnay …

Wilbert Tolentino Asoka Makeup challenge

Asoka Makeup challenge ni Wilbert Tolentino viral

HINDI nagpakabog ang content creator, influencer, at talent manager na si Wilbert Tolentino sa Asoka Makeup Challenge na trending …

SB19 Puregold

Berde at Gento: Kasama na ang SB19 sa bigating OPM lineup ng Puregold

OPISYAL na kinompirma ng Puregold ang kolaborasyon nila sa Pinoy boy band na SB19 at talaga namang kinasabikan ito …