Sunday , April 14 2024
Julia Barretto Dennis Padilla When Magic Hurts

Dennis naluha sa sorpresang pagbati  ni Julia

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

AMINADO si Dennis Padilla na ‘di niya inaasahan ang ginawang pagbati sa kanya ng anak na si Julia Barretto noong kaarawan niya kaya naman sobrang ikinatuwa niya iyon.

Sinabi pa ng aktor nang makausap namin sa presscon ng When Magic Hurts na pinagbibidahan nina Mutya Orquia, Maxine Trinidad, at Beaver Magtalas handog ng RemsFilms Production at idinirehe ni Gabby Ramos, na naluha siya sa ginawang iyon ng kanyang panganay na anak kay Marjorie Barretto.

Noong February 9 ang ika-62 kaarawan ng aktor. 

Naluha ako roon. That was sweet. Para bang tagos sa puso ‘yun (pagbati). That’s why I’m so happy. I hope makapag-dinner or lunch kami soon.

“Hindi lang si Julia, gusto ko rin siyempre makita si Claudia at saka si Leon kasi almost two years ko na silang hindi nakikita. More, I think more,” tila emosyonal na wika pa ni Dennis.

Nabanggit ni Dennis na gusto niyang makatrabaho muli ang anak dahil 2008 pa sila huling nagkasama sa Kapamilya series na Palos.

Hopefully, itong mga darating na panahon, baka magkasama kami sa pelikula dahil the last time na magkasama kami was sa ABS pa, ‘Palos,’ the one with Cesar Montano.

“Ako yung sidekick at saka si Redford White. Bata pa si Julia noon,” kuwento ni Dennis.

Ukol naman sa When Magic Hurts, excited si Dennis sa pelikulang ito. 

Aniya, ibang-iba ang karakter na ginagampanan niya rito bilang si Anton Yap, isang masayahing beki na punompuno ng good vibes.

Kasama rin sa pelikula sina Claudine Barretto, Soliman Cruz, Angelica Jones, Julian Roxas, Aileen Papin, Cassie Kim, Maxine Trinidad at marami pang iba.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sunshine Dizon Sunny

Sunshine napangatawanan pagiging retokada, Candy agaw-eksena sa Sunny

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ALIW na aliw kami sa bagong handog na pelikula ng Viva …

Klinton Start

Klinton Start, magiging active ulit sa showbiz pag-graduate ng kolehiyo

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SA KANYANG pag-aaral muna sa kolehiyo ang naging focus ngayon …

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Kilalang direktor nag-resign dahil sa sobrang ‘komesiyal’ ng production

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAANO kaya ka-true ang tsismis na umano’y nag-resign ang isang kilalang direktor sa …

MarVen KrisshRome HyGab Marco Gallo-Heaven Peralejo, Krissha Viaje Jerome Ponce  Hyacinth Callado Gab Lagman

3 loveteam ng VAA pantapat sa mga kilalang tandem

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UY, may tatlong love teams ang Viva Artists Agency na ipanlalaban sa mga …

Sparkle artists

Sparkle artists magkakaroon pa ng shows sa LA at Japan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MARAMI pang shows abroad this year ang aabangan sa Sparkle artists …