MATABIL
ni John Fontanilla
MALAKI ang posibilidad na sumikat ang baguhang singer na nakabase sa Australia na si Yza Santos na alaga ni Maestro Vehnee Saturno at ng singer na si Ladine Roxas-Saturno.
Bukod sa maganda ay very talented pa ang teen singer na si Yza na malaki ang pagkakahawig kay Ara Mina at Sandara Park, na ‘di lang mahusay kumanta, kundi magaling din umarte at mag-drawing.
Kasamang humarap sa entertertainment press ni Yza ang kanyang very supportive mom na si Mommy Marissa Santos.
Ayon nga kay Mommy Marissa, ang pagiging talented ni Yza ay namana sa kanyang Lolo Bert Silva na dating aktor at sa kanyang great-great grand father na si Lopez K. Santos, ang Father ng Balarila.
At kahit nagpe-perform na sa Australia ay gustong makilala ni Yza sa local music scene at marinig ng mga Filipino ang kanyang song at isa pa sa dream nito ang makilala bilang mahusay na musical theater actress sa west end o sa Broadway Musical katulad ng kanyang idolong si Lea Salonga.
Sa ngayon ay naghahanda si Yza sa launching at promotion ng kanyang first single entitled Misteryona mula sa komposisyon ni Maestro Vehnee under Saturno Music.