Friday , June 14 2024
Sanya Lopez

Sanya karir muna ang uunahin bago lovelife

MATABIL
ni John Fontanilla

MAS priority ngayon ni Sanya Lopez ang career over lovelife.

Tsika nito sa isang interview, “Parang hindi pa ako umabot sa part na gustong-gusto ko na [lovelife] ‘yung parang sige na ibigay niyo na sa kin ‘to, hindi pa naman ako umabot sa ganon.”

Dagdag pa nito, “Ayoko rin namang umabot kasi so far lahat ng nangyayari sa akin happy talaga ako. 

“Hanggang ngayon hindi pa ibinibigay sa atin, ang sabi raw kapag suwerte ka sa career talagang pagdating sa love life mailap.

“Parang ang hirap pumasok sa isang love life na hindi mo maibigay ‘yung tamang oras para sa kanya.

Parang nabanggit ko ‘yun before na kapag may ibinigay sa akin isang bagay focus talaga ako roon.

“Kaya noong ibinigay sa kin ‘yung trabaho talagang tutok ako rito.”

Hindi naman nagmamadaling magka-lovelife si Sanya, naniniwala ito na may right time para rito dahil kung para sa ‘yo, kusang darating ito ng hindi hinahanap. 

Ang mahalaga ay bongga ang kanyang karir at happy naman siya sa pagmamahal na ibinibigay ng kanyang pamilya, kaibigan at ng kanyang avid  fans.

About John Fontanilla

Check Also

MMPRESS Ralph Recto

Mga bagong halal na opisyal ng MMPRESS nanumpa kay Sec Ralph Recto 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA ngalan po ng bagong bihis na MMPRESS (Multi-Media Press Society of …

Nikko Natividad Vice Ganda Albie Casino Juliana Porizkova Segovia

Albie, Juliana nakisimpatya kay Nikko

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKABIBILIB naman ang mga gaya nina Juliana Porizkova Segovia at Albie Casino na talagang hayagang …

Kim rumesbak sa panawagan ni Xian: basher pagsabihan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “KAPAG may sasabihin ako, baka walang manood ng movie niya,” ang …

Alfred Vargas Nora Aunor Pieta

Alfred Vargas, naramdaman Nora Aunor magic sa pelikulang Pieta

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO ang award-winning actor na si Alfred Vargas na ibang …

Chavit Singson

Chavit Singson mamimigay ng P7-M sa kanyang kaarawan

MAMAMAHAGI si dating governor Luis “Chavit” Singson ng saya at kabutihang-loob sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong taon. …